Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Ang Katotohanan Tungkol sa Paghahayag ng Pag-ibig ng Diyos sa Taong Katabi moHalimbawa

How (Not) to Save the World: The Truth About Revealing God’s Love to the People Right Next to You

ARAW 3 NG 5





Paano (Hindi) Iligtas ang Mundo: Patahimikin ang Iyong Kwento



Ang kauna-unahang Tsinong babae na nakita kong nangaral ay ako. Sa maraming taon, hindi ko ipinagmalaki ang aking lahi at pinagsikapan kong itago na ako ay kalahating Tsino. Bilang isang maraming-lahi, at ang pagiging Tsino ay kalahati lamang ng aking sarili, sinubukan kong itago nang lubos sa kakayanan ko ang kalahating iyon. Hindi ko kailanman nakita ang apelyidong "Wong" sa listahan sa kumperensya, kaya sa mga unang taon ko sa pagtatanghal ng pagbigkas ng salita, ginamit ko ang pangalang panulat na Hosanna Poetry. Nahiya akong aminin na natakot akong ang aking pagiging Asyano ay magiging balakid sa aking karera. Ayaw na ayaw kong maging kapuna-puna. Kahit na nagsasalita ako tungkol kay Jesus sa pinaka-mahusay at pinaka-totoong kaya ko, mas pinagsusumikapan kong iwan ang katotohanan ng aking.



Hindi ko naunawaan ang kahulugan ng pagiging nilalang sa imahe ng Diyos. Ang kahulugan ba nito ay ginawa ako ng Diyos? Naintindihan ko ang bahaging iyan. Pero lagi pakiramdam ko sa loob ko na may bagay na mali, hindi sapat, at segunda-klase sa akin. Habang tapat kong pinag-aaralan ang Salita ng Diyos, natutunan ko na nabubuhay ako sa kahihiyan tungkol sa kung sino ako at pinatatahimik ko ang aking kwento upang matanggap ako. At iyan ang paano (hindi) iligtas ang mundo. Gusto ng kaaway na maniwala tayo sa kasinungalingan na hindi tayo sapat, na hindi sapat ang ating pinagmulan, at hindi sapat ang ating kwento dahil alam niya na may kapangyarihan ang pagiging kung sino tayo, at ang pagbabahagi ng ating mga kwento. Kapag itinatago mo kung sino ka, itinatago mo ang disenyo ng Diyos at ang kapangyarihan ng Diyos.



Ang pagiging nilalang sa imahe ng Diyos ay nangangahulugan na tayo ay ibinukod mula sa lahat ng nilikha. Ang imahe ng Diyos ay nakatatak sa atin at sa loob natin. Halaga ang dumadaloy sa ating mga ugat. Walang ibang bagay na nilalang ang maaaring umagaw sa kung ano ang ipinang-disenyo sa atin ng pinaka-Manlilikha. Ang katotohanng ito ay binabago kung paano natin nakikita ang ating sarili at kung paano natin tinitingnan ang iba. 



Ang katotohanan ay nilalang tayo sa imahe ng Diyos. Hindi lamang mayroon kang daan para kilalanin Siya kundi awtoridad na ibinigay Niya na ipakilala Siya. Hndi lamang binigyan ka ng pahintulot kundi responsibilidad na gamitin ang lahat ng ikaw at lahat ng iyong pinagdaanan para dakilain Siya at ilahad ang kanyang pag-ibig sa mga tao sa tabi mo.



Natutunan ko na ang pagiging babae, maraming-lahi, at anak ng nagbagong adik ay siyang tumutulong sa akin na ihayag ang katotohan tungkol kay Jesus. Ang mga bagay na gusto kong itago ay mga bagay na gustong gamitin ng Diyos para ihayag kung sino Siya at ano ang Kanyang kayang gawin. Dapat na maging higit ako sa kung sino ako, hindi kulang. Ayoko nang magtagumpay ang Kaaway sa pamamagitan ng ating kahihiyan at ating pananahimik. Ang mga detalye ng iyong buhay ay mga pinto, hindi dingding. Matutulungan ka ng mga ito na imbitahan ang mga tao patungo sa kwento ng manunubos na Tagapagligtas. Gusto ng Diyos na gamitin ang ating tunay na kwento para ilahad ang Kanyang tunay na kapangyarihan. Ang imahe ng Diyos ay dapat na makita, at ang kanyang kapangyarihaan ay dapat malantad.







Tumugon



Anong tagumpay ang mayroon ang kaaway kung lahat tayo ay maniniwala sa kasinungalingan na wala tayong halaga, at dapat nating patahimikin ang ating mga kwento?



Anong mga bahagi ng iyong kwento ang nahihirapan kang makita kung paano gagamitin ng Diyos?



Ano ang humahadlang sa iyo para ibahagi ang iyong kwento?






Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

How (Not) to Save the World: The Truth About Revealing God’s Love to the People Right Next to You

Nais mo bang ipaglaban ang mga taong mahal mo at ipakita sa iba kung gaano sila kahalaga sa Diyos? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, batay sa aklat ni Hosanna Wong na How (Not) to Save the World, tuklasin ang mga ka...

More

Gusto naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson sa pagbibigay ng patnubay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bit.ly/savetheworldyouversion

Mga Kaugnay na Gabay

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya