Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg LaurieHalimbawa

Daily Devotions with Greg Laurie

ARAW 1 NG 30

Minahal Hanggang Katapusan



Minsan ay tinatanong ng mga tao, "Sa palagay mo ba ay didinggin ng Diyos ang panalangin ng isang masamang tao na tumatawag sa Kanya sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay - kung ang taong iyon ay may ginawang mga kakila-kilabot na bagay? Patatawarin ba ng Diyos ang ganoong uri ng tao?" Oo naman.



Kung minsan, mayroon tayong mga mahal sa buhay na namatay na at hindi na nagawang maipahayag ang kanilang pananampalataya. At maaari nating ipalagay na hindi sila nakaakyat sa langit. Ngunit hindi natin batid iyan. Kasama ka ba ng mga mahal sa buhay mo na ito sa pinakahuling sandali ng kanilang buhay? Naroon ka ba hanggang sa kanilang huling hininga? Paano mo nalaman na hindi niya tinawag si Jesus?



Ito lamang ang alam mo. Minahal sila ng Diyos at ninais Niyang sila ay mailigtas. Katulad nga ng sinasabi sa 1Timoteo 2:4, "Ibig niyang ang lahat ng tao ay maligtas at makaalam ng katotohanang ito."



Nang dumating si Judas sa Hardin ng Getsemani upang ipagkanulo si Jesus, sinabi sa kanya ni Jesus, "Kaibigan, gawin mo na ang sadya mo." (Mateo 26:50). Binibigyan ni Jesus si Judas ng huling pagkakataon upang magsisi. At naniniwala akong kung si Judas ay huminto sa pagkakataong iyon at sinabi, "Panginoon, nagkamali ako. Hindi ko alam kung anong iniisip ko. Patawarin mo ako," patatawarin siya ni Jesus. Bakit? Sapagkat sinasabi ng Diyos, "...ang buháy na Diyos, ay hindi nasisiyahan na ang sinuma'y mamatay sa kanyang kasamaan; nais kong siya'y magbagong-buhay. Sabihin mo ngang magbagong-buhay sila pagkat di sila dapat mamatay sa kanilang kasamaan." (Ezekiel 33:11). Minahal ni Jesus si Judas hanggang sa katapusan. Ito ay kaibigan Niya. Ngunit ipinagkanulo Siya ng Kanyang kaibigan, at ito ay nagwasak sa Kanyang puso.



Ayokong magbigay ng huwad na katiyakan at sabihing ang lahat ay nasa langit, sapagkat hindi ito ang totoo. Ngunit ang sinasabi ko rito ay kung sila ay tumawag sa Panginoon sa mga huling sandali ng kanilang buhay, nagpatawad Siya at ibinigay ang Kanyang kapatawaran.



Buod na Pangungusap: Kapag tumawag ka sa Panginoon, maging sa huling sandali ng buhay mo, maririnig ka Niya!




Karapatang Maglathala © 2012 ngHarvest Ministries. All rights reserved.



Malibang may ibang nakasaad, ang mga bersikulo na mula sa Banal na Kasulatan ay mula sa New King James Version. Ang orihinal na teksto ng gabay na ito ay gumagamit ng New King James Version, Karapatang maglathala 1982 by Thomas Nelson, Inc. Ginamit nang may pahintulot. All rights reserved.

Samantalang ang salin na ito sa Filipino ay gumagamit ng RTPV05

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Daily Devotions with Greg Laurie

Tatlumpung araw ng mga debosyonal na magpapalakas ng iyong loob mula sa Salita ng Diyos buhat kay Pastor Greg Laurie. Sa kanyang estilong tuwiran at parang nakikipag-usap lang, dinadala ni Pastor Greg ang nauugnay na pa...

More

We would like to thank Greg Laurie and Harvest Ministries for providing this devotional. For more information, please visit: www.harvest.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya