Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Magpanibago Pagkatapos ng Muling Pagkabuhay: Isang Gabay sa Pagpapahinga para sa Mga Pastor Mula sa YouVersionHalimbawa

Reset After Easter: A YouVersion Rest Plan for Pastors

ARAW 1 NG 3

Dinisenyo namin ang Gabay na ito upang tulungan kang magsimula ulit at magpanibago ng iyong isipan sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa Banal na Kasulatan na bumalot sa iyo. Para sa mas mainam na karanasan, iminumungkahi namin na maghanap ka ng isang tahimik na lugar at makinig sa pamamagitan ng headphones, na nakapikit ang mga mata. I-tap lamang ang icon ng play upang simulang makinig. 



Magbulay-bulay.



Isipin ang mga nakaraang araw. 



Ipaalala sa sarili, isang sandali pagkatapos ng isa pa, ang lahat ng mga bagay na nakita mong ginawa ng Diyos para sa iyong iglesia. 



Isaisip ang mga mukha ng ilang mga taong tinipon ni Jesus sa Kanyang sarili. 



Ngayon, isalarawan sa iyong isip ang nakita mo sa panghinaharap. 



Isipin ang ilang mga paraan na maasahan mo na babaguhin ng Banal na Espiritu sa darating pang mga taon. 



Ngayon isipin naman ang mga henerasyon na susunod sa kanila, mga taong magbabago ang buhay dahil sa kanilang pagbabagong-anyo. 





Ngayong tapos na ang linggo, maglaan ng isang sandali upang tumigil at magbulay-bulay. 



Magdahan-dahan. 



Huminga nang mahinahon at pigilan ang paghinga.



Ngayon—dahan-dahan at hinay-hinay—na pakawalan ang malalim na paghingang ito. 



O inyong subukan at tingnan na mabuti ang Panginoon. 



Karapat-dapat Siya sa lahat ng kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan.



Kapag ika'y handa na, maglaan ng isang sandali upang manalangin: 



Salamat sa Inyo, Ama. 



Salamat sa Inyong kaloob na Inyong Anak. 



Salamat sa Inyong pagpadala sa Tagapagtanggol. 



Salamat sa Inyong biyaya at awa. 



Salamat sa pag-aanyaya sa amin sa Inyong pamilya. 



Salamat sa paghahanda sa amin, at pagpupuspos sa amin ng Inyong Banal na Espiritu. 



Salamat sa pagpili sa amin—sa pagpili sa akin—na magbahagi ng Inyong pag-ibig sa mundo. 



Sa mahal na ngalan ng Inyong anak na si Jesus, 



Amen.


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Reset After Easter: A YouVersion Rest Plan for Pastors

Dahil ang mga dumadalo ay karaniwang dumadarami sa Linggo na ipinagdiriwang ng mga Cristiano ang Muling Pagkabuhay ni Jesus, ang katapusang linggong ito ang isa sa pinakamapagpala — at pinakamapanghamon — na panahon ng t...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya