Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Direksyon Bago ang PagpapakasalHalimbawa

The Pre-Marriage Course

ARAW 4 NG 5

Koneksyon


Paano natin napapanatiling buhay ang ating pag-ibig at nananatili ang pakikipag-ugnayan sa buong pagsasama natin bilang mag-asawa?



Gumugol ng mga espesyal na panahon nang magkasama


Ang pagpapanatiling buhay ng pagmamahal ay isang kusang pagpili. Kasama nito ay:




  • pagbibigay ng panahon sa ating pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa mga bagay na ginagawa nating dalawa na nasisiyahan tayong magkasama

  • gawing isang pang-araw-araw na ugali ang pakikipag-ugnayan sa isa't-isa sa pakikipag-usap at sa emosyon

  • pagpaplano ng isang lingguhang date sa ating kapareha upang mapanatili ang pagmamahalan, ang saya at ang pagmamahalang lumalago para sa isa't-isa


tuklasin ang mga pangangailangang emosyonal ng iyong asawa


Ang pagtuklas sa kung anong bagay ang nagbibigay sa ating asawa ng damdaming siya'y minamahal ay siyang bumubuo ng isang malalim na koneksyon sa pagitan natin at nagagawa nitong maging matagumpay ang ating pagmamahal. Maararing magkaibang-magkaiba tayo sa isa't-isa sa mga paraan ng pagbibigay at pagtanggap ng pagmamahal.



Ang limang wika ng pag-ibig




  1. Mapagmahal na mga salita

  2. Pinag-isipang mga regalo

  3. Pisikal na pagmamahal

  4. Kalidad na oras

  5. Pagkilos nang may kabaitan


Ang lahat ng limang pamamaraan sa pagpapakita ng pag-ibig ay mahalaga sa bawat buhay may-asawa, ngunit kadalasan may isa o dalawa sa kanila na nakapaghahatid ng pagmamahal sa paraang lubos nating nauunawaan at gusto nating matanggap.



Pagkatapos mong matapos ang debosyonal para sa araw na ito, bisitahin ang www.5lovelanguages.com para sagutan ang isang maikling talatanungan upang mapagtibay ang pagkakasunud-sunod ayon sa kahalagahan ng mga wika ng pag-ibig na ito para sa iyo. 



Ang pagtuturo ng Limang Wika ng Pag-ibig ay hinango mula sa napakabentang aklat ni Dr. Gary Chapman, The 5 Love LanguagesⓇ: The Secret to Love That Lasts (© 2015). Ito ay inilathala ng Northfield Publishing. Ginamit nang may pahintulot.



Paano bumuo ng isang magandang sekswal na relasyon


Ang seks ang nag-uugnay sa ating mag-asawa, hindi lamang sa pisikal na aspeto, kundi sa emosyonal, sikolohikal at maging espirituwal.



Paano magtatag at magpanatili ng isang modelo ng maayos na seks sa buhay may-asawa:



1. Pagtugmain ang inyong mga puso



Maging handa sa pakikipag-uusap




  • ang pag-uusap tungkol sa seks ay magbibigay sa atin ng lakas ng loob dahil kinakailangan nitong maging bukas tayo sa isa't-isa

  • sabihin sa isa't-isa kung ano ang gusto at ayaw ninyo sa inyong pakikipagromansa


Tapusin ang mga nakaraang sekswal na pakikipag-ugnayan




  • ang mga relasyon sa nakaraan ay maaaring magdala ng pagseselos at kawalan ng tiwala

  • kung kinakailangan, huwag nang makipag-ugnayan sa social media sa mga taong dating may atraksyon sa iyo at burahin ang mga email / texts / mga larawan nila


2. Maging kalmado at mag-isip nang mabuti



Ang estado ng pag-iisip natin ay malaki ang kinalaman sa isang maayos na seks




  • puspusin ang inyong isipan ng mga bagay na mabubuti, kapuri-puri at may paggalang sa isa't-isa pagdating sa seks

  • pag-usapan ang tungkol sa inyong mga inaasahan at mga takot na maaaring mayroon kayo pagdating sa pakikipagtalik


Ang mga problemang resulta ng pang-aabuso o iba pang mga mapapait na karanasan sa seks mula sa nakaraan ay maaaring mangailangan ng tulong mula sa isang propesyunal.



Kung ang pornograpiya ay isang problema sa inyong relasyon, magkaroon ng isang tapat at walang-panghuhusgang pag-uusap sa iyong kapareha. Ang paggawa ng mga hakbang upang palitan ang inyong mga gawi ay magkakaroon ng positibong epekto sa inyong relasyon at magiging isang katotohanan ang maayos na seks sa inyong buhay may-asawa.



Ang mababang pagtingin sa sarili at hindi magandang imahe ng katawan ay magkakaroon ng epekto sa ating sekswal na pagtugon




  • palakasin ang kompiyansa ng iyong kapareha sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanya kung gaano siya kaganda at kahali-halina para sa iyo

  • patuloy na hangaan ang katawan ng isa't-isa, tulad ng magsing-irog na ganito ang ginawa nang paulit-ulit sa aklat ng Mga Awit ni Solomon


3. Ihanda ang iyong katawan



May mahalagang pagkakaiba ang mga lalaki at mga babae pagdating sa sekswal na pagkapukaw.




  • tuklasin mula sa pagbabasa at pakikipag-usap kung anong nakakapukaw sa iyong kapareha pagdating sa seks.

  • bigyan ng sapat na oras para sa paghahanda at pagpukaw sa pakikipagtalik


Lumikha ng isang kalagayan ng pagtitiwala.




  • ang maayos na seks ay depende kung hinahayaan nating mahubog din ang ibang bahagi ng ating relasyon

  • may malakas na koneksyon ang pagbibigay natin ng ating sarili sa isa't-isa sa ating ginawang pangako sa pagpapakasal at ang pagbibigay natin ng ating sarili sa ating sekswal na relasyon

  • magkaroon ng pagpipigil sa sarili – ito ay magiging mahalaga kapag natagpuan natin ang sarili nating nabibighani sa ibang tao na hindi ang ating kapareha

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Pre-Marriage Course

Hindi awtomatiko ang pagkakaroon ng matatag na buhay may-asawa. Umaasa kaming matutuklasan ninyo ang mga saloobin, pamantayan at mga ugaling kailangan upang makapagbuo ng isang malusog at matatag na buhay may-asawa na ta...

More

Nais naming pasalamatan ang Alpha sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://themarriagecourse.org/try/the-pre-marriage-course

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya