Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Unawain ang SabbathHalimbawa

Understanding the Sabbath

ARAW 3 NG 4

Ang Sabbath Ngayon



Maaaring ipinagtataka mo, “Kailangan ko bang tuparin ang Sabbath? Kailangan ba ito yamang nasa Lumang Tipan naman iyon?” Ito'y walang pasubaling kinakailangan! Sa karamihang lipunan, talaga namang higit na napaka-abala ng mga tao kaysa sa dati at gumugugol ng mas mahabang oras sa pagpapatupad ng kanilang nakakatarantang mga iskedyul sa pamilya. Kaya nga, ang pahinga ay kailangang-kailangan upang ang ating mga buhay ay malusog at malakas. Tingnan natin ang dalawang halimbawa ng ng pagsasagawa ng pagpapahinga sa Sabbath:



Blue Zone — Loma Linda, California

Ang may-akda at eksplorador na si Dan Buettner, ay naglarawan ng mga Blue Zone bilang mga rehiyon kung saan mas mahabang nabubuhay ang mga tao. Sa Estados Unidos, ang komunidad ng Loma Linda, California, ay isang Blue Zone, at ang mga residente nito ay nabubuhay ng sampung taon higit sa pangkaraniwang tao. Malaking populasyon ng mga Seventh-day Adventist ang nakatira sa lungsod na ito at sinasabi nila na ang dahilan kung bakit mahaba ang buhay nila ay dahil sa mga bagay tulad ng regular na pag-eehersisyo at hindi pag-kain ng karne. Ngunit, ang una nilang minumungkahi sa mga tao ay “Maghanap ng oras ng santuwaryo.” Itong 24-oras na Sabbath ay nagpapahintulot sa kanilang lumiban sa pang-araw-araw na buhay at tumuon sa Diyos, pamilya, at mga kaibigan, habang pinapahupa ang stress mula sa kanilang pang-araw-araw na buhay. 



Ibang Dahilan para sa Sabbath

Samantalang ang Sabbath ay kadalasang isang gawaing may kinalaman sa pananampalataya, parami nang paraming taong hindi mananampalataya ang gumagawa na rin nito. Maraming naninirahan sa Silicon Valley, na kinalalagyan ng maraming high-tech na mga kompanya at sa katimugan ng San Francisco Bay, ay nagtakda na rin ng “Sabbath mula sa Internet.” Pinapatay nila ang kanilang mga aparato nang buong araw o nang kabuuang Sabado at Linggo. 



Ang punto ng pagbabahagi ng mga halimbawang ito ay na mananampalataya man o hindi ang isang tao, itinakda ng Diyos ang Sabbath para sa atin. May layunin ito.



Sasabihin ng Legalismo na bawal magtrabaho o magnegosyo kapag Linggo, na itinuturing ng marami na Sabbath. Kung magiging teknikal tayo, ang Sabbath ay Sabado. Kaya, huwag na tayong mag-alala sa kung anong partikular na araw tayong magpapahinga. Bagkus, maglaan tayo ng isang araw para sa pahinga na mangyayari lang kapag tumigil tayo sa pagtatrabaho, at matapos ay pahintulutan ang Diyos na palakasin tayong muli at bigyan ng lubusang pahinga sa ating mga katawan, isip, at kaluluwa. 



Ang konsepto ng pagtutupad ng Sabbath ay kalaunang isang isyu ng pagtitiwala. Nagtitiwala tayo sa ating sarili na pamahalaan ang ating mga buhay, o nagtitiwala tayo sa Diyos. Kung nagtitiwala tayo sa ating sarili, malamang na mauuwi tayo sa pagtatrabaho hanggang sa malupaypay, posible pang sa maagang kamatayan. Ngunit, kung pipiliin nating magtiwala sa ating mabuting Diyos, na Siyang nangunguna sa atin, umaaliw sa atin, at nagpapalakas sa atin, mas malaking pag-unlad ang makikita natin sa loob ng anim na araw ng pagtatrabaho na nasa malusog tayong pangangatawan kaysa pitong araw na nagtatrabahong said na said naman tayo. Posible kayang hindi tayo nakakapagpahinga nang mabuti dahil hindi tayo nagtitiwala sa Diyos? Piliin nating magtiwala sa Diyos.


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Understanding the Sabbath

Ang karamihan sa atin ay labis-labis magtrabaho at pagod na pagod, kaya't ang konsepto ng Sabbath ay talagang mahalaga. Ang igalang ang Sabbath ay nangangahulugang pagturing ditong banal, at ang pagturing na banal ay ang...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at ibinigay ng YouVersion

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya