Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pananampalataya, Pag-asa, & Pag-ibigHalimbawa

Faith, Hope, & Love

ARAW 3 NG 4

Ano ang Pag-asa? 



Sa ating pagbibigay-kahulugan noong Araw 1, ang pag-asa ay ang ating naisin na mangyari ang isang bagay o maging totoo ito. 



Nawalan na siya ng pag-asa.

Umasa ang koponan na mananalo sila sa laro.

Umaasa kami na hindi masisira ng ulan ang party.



Mahirap sa ating mabuhay nang walang pag-asa. Dahil diyan, madalas na inilalagay natin ang ating pag-asa sa mga bagay, karanasan, at sa mga tao, na nagdadala ng kabiguan sa atin kapag ang ating mga inaasahan ay hindi makatotohanan at samakatuwid, mali ang pamamahala. Ang nararapat nating gawin ayang ilagay natin ang ating pag-asa sa Diyos. Tingnan natin kung anong nasa sa Salita ng Diyos para sa atin pagdating sa pag-asa. 



Isinulat ni Apostol Pablo na hindi tayo binibigo ng pag-asa dahil sa pag-ibig ng Diyos na ibinuhos na sa ating mga puso (Mga Taga-Roma 5:5). Isinulat din niya na ang pag-asang nakikita ay hindi pag-asa (Mga Taga Roma 8:24). At ang pinakamagandang bagay na matututunan natin tungkol sa pag-asa ay ang katotohanang ang Diyos ang may-akda nito, at habang natututo tayong magtiwala sa Kanya, pinupuspos Niya tayo ng bukal ng pag-asa na nag-uumapaw tayo rito (Mga Taga-Roma 15:13). 



Ang pag-asa ay ang paghihintay at pag-asam na ang Diyos ay kumikilos kahit hindi natin nakikita. Ito ay espiritwal na pag-asang humahantong sa pagpapatatag ng ating pananampalataya. Maaari nating sabihing ang pananampalataya at ang pag-asa ay magkasama. Habang ang pananampalataya ay ang paniniwala ang Diyos ay kung sinong sinasabi Niyang Siya at nararapat natin Siyang pagtiwalaan, ang pag-asa ay ang pag-asam na nariyan Siya. Kaya, kapag may pag-asa tayo sa Diyos, itinutulak nito ang ating pananampalataya. 



Paano natin ito ipapamuhay?

Ang pamumuhay nang may pag-asa ay madalas na nakasalalay sa kaalaman kung paano nating patatakbuhin ang ating isipan. Maaari tayong magulumihanan at makaramdam ng pagkatalo sa mga bagay na maliit lamang o walang panghabambuhay na epekto. Kapag ang mga plano ay hindi nagtatagumpay at tayo ay nasisiraan ng loob, maaari pa rin tayong magkaroon ng pag-asa sa kabila ng makamundong kabiguan. Pinipili nating manghawakan sa pag-asang may inihandang maluwalhating lugar ang Diyos para sa atin sa kalangitan na hindi matatapos kailanman.  



Anong gagawin ko kapag nawawalan ako ng pag-asa?

Kapag ang pag-asa ay tila napakalayo, malamang na ang pag-asa natin ay nakasalalay sa mga sitwasyon. Ang ganitong uri ng pag-asa na inilalagay natin sa mga pansamantalang bagay o maging sa mga tao ay kadalasang nagdadala ng kabiguan. Kaya, sandaling suriin kung saan mo dinadala ang iyong pag-asa. Kung inilalagay mo ang iyong pag-asa sa anumang bagay dito sa mundo, dalhin mo ang pag-asang ito sa Diyos. Ang ating pag-asa ay ligtas kapag ito ay nakasalig kay Jesus at tayo ay naghihintay upang makasama Siya sa kawalang hanggan. 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Faith, Hope, & Love

Isinulat ni Apostol Pablo na sa lahat ng mga bagay sa buhay, tatlong bagay ang nananatili: pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Anong ibig sabihin nito para sa ating mga tagasunod ni Jesus, at paano natin ito maipapamu...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya