Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagiging Determinado sa Iyong Buhay May-asawaHalimbawa

Being Intentional In Your Marriage

ARAW 3 NG 5

Sumuporta Araw-araw



Ang mundong kinaroroonan natin ay hindi laging palakaibigan. Makakatagpo ka ng di-pagkakaunawaan at pagkakahati-hati patungkol sa iisang paksa lamang. Dahil dito, ang ating asawa ang dapat ay pinakamalapit nating karelasyon dito sa mundo, at nararapat lang na tayo ang pinakamalakas na taga-suporta nila. Tayo ang "nasa likod nila" at ang "kasama nila sa pangkat."  Narito ang ilang mungkahi kung paanong maaari kang maging pinakamalakas na taga-suporta ng iyong asawa.



Mangusap Nang May pagmamahal 

Ang mga salita ay may malaking epekto. Kapag tayo ay nakikipag-usap sa ibang tao, maaari tayong makapagbigay ng tuwa o makapagpalungkot, magbigay-papuri o magbigay-kahatulan, makatulong o makapinsala. Ang mga salitang lumalabas sa ating mga bibig ay kadalasang may ginagawang isa sa dalawang bagay: nakapagbubuo o nakakasira. Kapag ang mga boses na nanggagaling sa kung saan-saan ay tumatapyas sa puso ng ating asawa, tayo ang dapat na nangungusap nang may pagmamahal, kagalakan, at pag-asa sa kanilang buhay. Hilingin sa Banal na Espiritu na maging panloob na babala kapag may mga salitang namumutawi sa iyong mga labi na hindi nakapagpapatibay sa iyong asawa. Mamamangha ka sa kanilang kahihinatnan dahil sa simpleng pag-aayos mo sa iyong pananalita. Sa pagdaan ng araw, isaalang-alang mo ang mga salitang sinasabi mo sa at tungkol sa iyong asawa, at hayaan mong malaman nila na gusto mong ikaw ang maging pinakamasugid nilang tagahanga. 



Magpakita ng Empatiya

Ang empatiya ay isang katangian na hindi madaling makita o maging natural para sa maraming tao. Ano ba ito? Ito'y ang simpleng kakayahang makita ang pananaw ng ibang tao at subukang maunawaan ang kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong sarili sa "kanilang kalagayan." Kapag ginagawa natin ito, hinahayaan tayo nitong iayos ang ating mga pagkilos sa anumang sitwasyon. Kahit na ito ay maaaring hindi natural sa atin, maaari itong linangin at matutunan. Ang kailangan lamang ay ang pagsisikap natin upang makita ang kahalagahan nito sa ating mga relasyon. Ang asawa mo ay hindi ikaw, at ikaw ay hindi ang asawa mo. Kapag ang asawa mo ay may ibinabahagi sa iyo o kumikilos sa isang pamamaraan, unawain mo ang pinagmulan nito, ang mga karanasan, at ang mga paghihirap na siyang nagdadala ng kanyang pagkilos. Subuking unawain kung bakit niya ginagawa o sinasabi ang kanyang ginagawa o sinasabi dahil ito ang magbibigay sa iyo ng higit na pagdamay kapag nagiging hamon sa iyo ang maunawaan siya. Bago matapos ang araw, tanungin mo ang iyong asawa kung ano ang tingin niya sa pagsusumikap mong maunawaan siya. 



Suportahan ang mga Pangarap

Ang bawat isa ay may mga pangarap at hinahangad, at kasama na diyan ang asawa mo. Ang ibang mga pangarap ay tila makakamit naman at kayang abutin. Ang iba ay tila napakalaki at lampas sa ating kakayahan. Katulad ng nabanggit na, ang mundong ito ay maaaring maging masama at ang mga tao ay maaaring magsabi o gumawa ng mga bagay na papatay sa ating mga pangarap. Gumugol ng panahon upang tanungin ang iyong asawa kung anong mga pangarap at hinahangad niya, at talagang pakinggan siya. Hikayatin siyang lumabas sa kanyang mga nakasanayan at sabihin din sa kanyang handa kang tumulong. Kung minsan, ang kanyang mga pangarap ay makakaabala sa iyo, na siya namang napakagandang pagkakataon upang ipakita sa kanya na sinusuportahan mo siya at handang samahan siya upang matupad ang kanyang mga pangarap. 



Pagninilay

>
Saang bahagi kailangan mong mapagbuti ang iyong buhay may-asawa? Sa pangungusap nang may pagmamahal, sa pagpapakita ng empatiya, o sa pagsuporta sa kanyang pangarap?


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Being Intentional In Your Marriage

Ang isang matibay at malusog na buhay may-asawa ay hindi aksidenteng nangyayari lamang. Ang pagiging determinado ang susi sa pagkakaroon ng isang buhay may-asawang pinapangarap mo. Sa 5-araw na Babasahing Gabay na ito, b...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya