Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bakit Ba Napakahirap Magpatawad?Halimbawa

Why Is It So Hard to Forgive?

ARAW 1 NG 5

Ano ang kapatawaran, at bakit napakahirap nito?



Kapag tayo'y isinilang, napakaraming bagay ang kailangan nating matutunan. Kailangan nating matutong magsalita, lumakad, at magsulat, kasama ng maraming iba pang bagay. Ngunit walang kailangang magturo sa ating gumawa ng maling bagay. Wala tayong klaseng pinapasukan na magpapakita sa atin kung paanong maging makasarili, manakit sa ibang tao, o sumira ng mga relasyon. Alam natin kung paanong suwayin ang Diyos at magkasala laban sa Kanya at sa ibang tao simula nang tayo ay isilang. 



Nangangahulugan ito na ang bawat isa sa atin ay nangangailangan ng kapatawarang iniaalok ng Diyos. Ang kamangha-manghang balita ay nagbibigay ng daan ang Diyos upang ang lahat ng ating mga kasalanan—sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap—ay maiwaksing lahat. Ang kailangan lamang nating gawin ay tanggapin ang nakapagliligtas na biyayang iniaalok sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa krus. Ang pag-ibig ng Diyos para sa atin ay labis-labis, at ninanais Niyang ibigay ang Kanyang pagmamahal sa atin. Isang paraan kung paano Niya ito ginagawa ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapatawaran sa atin. Napakasimple nito, ngunit hindi ito laging madaling maunawaan. 



Kaya, ano nga ba ang kapatawaran? 

Ito'y isang pagpili.

Ito'y ang pagpapakawala sa sama ng loob.

Ito'y ang pagsusuko ng ating hangad na gumanti. 



Bakit ba napakahirap magpatawad? 

Pakiramdam natin ay hindi ito makatarungan sa ating sakit.

Hindi natin mapahinto ang sakit, na siyang pumapasok sa ating isipan.

Iniisip nating ang kasalanan ng ibang tao ay mas masahol kaysa sa kasalanan natin.



Anong nangyayari kapag tayo ay pinatawad?

Nakakatanggap tayo ng hindi karapat-dapat na regalo.

Naiaalok natin ang regalong ito sa iba.

Nakapagsisimula tayong muli. 



Anong nangyayari kapag pinatawad natin ang ibang tao? 



Naiiwasan nating sumama ang loob natin.

Nagkakaroon tayo ng kapayapaan sa ating isipan. 

Sumusunod tayo sa Diyos.



Isang pinakahuling bagay na kailangan nating malaman tungkol sa kapatawaran ay kung anong hindi ito. Kapag sinaktan tayo ng isang tao, ang pagpapatawad sa kanila ay hindi nangangahulugang hindi na sila mananagot o kaya ay hindi na natin papansinin ang kanilang ginawa. Hindi ibig sabihin nito na magkukunwari tayong walang nangyaring sakit, na pinalalampas natin ang kanilang ginawa, o iniisip nating maaari nating kalimutan na lang ito. Ang kapatawaran ay ang pagbitiw, pagsulong, at ang hindi pagpayag na diktahan nito ang ating buhay. 



Kapag pinapayagan natin ang hindi pagpapatawad na mag-ugat sa ating mga puso at lumago sa isang mapait na bagay, hindi natin lubos na mararanasan ang kalayaan sa ating mga puso. Upang lumago at sumulong sa ating pananampalataya, kailangan nating ipaabot ang kapatawaran sa ating kapwa.



Sa mga susunod na apat na araw ng Gabay na ito, matutuklasan natin ang pag-asa at katotohanan sa iba't-ibang mga kasaysayan sa Biblia tungkol sa kapatawaran na makakatulong sa atin upang tanggapin ito para sa ating mga sarili at ialok ito sa ibang tao.


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Why Is It So Hard to Forgive?

Lahat tayo ay nangangailangan ng kapatawaran. Ngunit kadalasan, ang tingin natin sa kapatawaran ay isang bagay na opsyonal, samantalang sa katunayan, ito'y pangunang kailangan upang lumago tayo sa ating pananampalataya. ...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya