Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Papel ng Iglesia sa mga Kulturang SalungatanHalimbawa

The Role of the Church in Cultural Clashes

ARAW 2 NG 7

Ang Tunay na Layunin  



Kapag ang isang larong football ay nagsisimula, may tatlong pangkat na nasa lugar ng palaruan. May dalawang nagtutunggaliang pangkat na naglalaban para sa tagumpay, at naroon din ang pangkat ng mga opisyales. Ang pangkat ng mga opisyales ay nananagot sa mas mataas na kapangyarihan—ang punong tanggapan ng NFL. Hindi sila pumapanig sa alinmang pangkat dahil kinakatawan nila ang ibang kaharian. Ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan gamit ang aklat ng mga tuntunin ng NFL. Gumagawa sila ng mga desisyon nang walang pag-aatubili dahil wala silang pakialam kung nagugustuhan sila, o pinapalakpakan sila, o may nangangantiyaw sa kanila. Hindi sila naroon upang manalo sa isang paligsahan ng pagiging sikat. Naroon sila upang magkaroon ng kaayusan sa isang magulog sitwasyon. 



Gayundin naman, ang iglesia ay hindi umiiral para sa sarili lamang nito. Ang pangunahing tema ng Banal na Kasulatan ay ang kaluwalhatian ng Diyos na naipapahayag sa pamamagitan ng pagsusulong ng Kanyang kaharian upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari dito sa lupa na tulad ng sa langit. Ang iglesia ay nilikha para sa layuning ito—isulong ang kaharian ng Diyos sa kasaysayan. Binigyan ng Diyos ng kapangyarihan ang iglesia at inilagay niya ito sa gitna ng isang magulong mundo upang magdala ng kaayusan. Kaya, hindi dapat pumapanig ang iglesia sa kaninuman pagdating sa mga isyung panlipunan dahil sumasagot ito sa mas mataas na kapangyarihan at kumakatawan ito sa ibang kaharian. Ang ibig sabihin nito, ang iglesia ay nararapat na laging kumakatawan sa pananaw ng Diyos sa anumang bagay.



Kapag ito ay kumikilos nang maayos, ang iglesia ay nagsisilbing parang dike na pinipigilan ang kasamaang dumaloy sa kultura. Subalit, ang mga dike ay nasisira at ang ating kultura ay tila lalong sumasama. Isang dahilan kung bakit sila nabibigo ay dahilan sa ang ginawa nilang layunin ng iglesia, ay ang iglesia. Sa halip na ang pagtatayo ng kaharian ng Diyos, ang gusto natin ay ang magtayo ng malalaking iglesia na may maraming miyembro at may maraming programa. Kailangan nating ibalik ang iglesia sa tunay na layunin nito—ang maisulong ang kaharian ng Diyos.



Batay dito, ano ang tungkulin ng iglesia? 


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Role of the Church in Cultural Clashes

Paano nagiging posible na ang pagtatangi ng lahi at ang di-pagkakapantay-pantay ay nakapamiminsala sa ating kultura? Tingnan na lamang ang bilang ng mga simbahan. May humigit-kumulang sa 300,000 na simbahan sa Amerika. I...

More

Nais naming pasalamatan ang The Urban Alternative (Tony Evans) para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://tonyevans.org/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya