Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Gawing Una ang Diyos Halimbawa

Gawing Una ang Diyos

ARAW 1 NG 5

"Posisyon ng Diyos, Gantimpala Ko!"


Unang posisyon - ito ang pinakamimithi ng lahat na nakikipagpaligsahan. Isa man itong kumpetisyon na pang-indibidwal o pang-koponan, ang pinakamahusay na marka o oras ang panalo, at ang unang posisyon ang palaging nagdadala ng pangunahing premyo sa taong nagkakamit sa natatanging pribilehiyo. Laging ganoon, ngunit may isang mahalagang eksepsyon. 


Bago ang ating kaligtasan, kadalasan nating pinangungunahan ang ating sariling buhay - nabubuhay para sa ating sarili, tinutupad ang ating mga makasariling hangarin, isinusulong ang ating sariling layunin. Ngunit nang tayo ay naging Kristiyano, ang unang posisyon ay hindi na sa atin; pag-aari na ito ng Diyos. 


Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay nagsimula sa araw ng ating kaligtasan, ngunit ang pagpapahintulot sa Diyos na manatiling una sa lahat ng bahagi ng ating buhay ay isang patuloy na proseso. Kapag ginagawa natin ito, nabubuhay tayo dito sa mundo ng isang makabuluhan at pinagpalang buhay kay Cristo, at namamana natin ang isang walang hanggang buhay na puspos ng umaapaw na mga pagpapala ng Diyos sa Langit magpakailanman.


"Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon." 1 Corinto 9:25



Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Gawing Una ang Diyos

Ang pagiging una ng Diyos sa ating buhay ay hindi lamang minsan na kaganapan. . . ito ay panghabang-buhay na proseso sa bawat Kristiyano. Bago ka man sa pananampalataya o isa nang "beterano" na tagasunod ni Cristo, mapa...

More

Nais naming pasalamatan ang Dalawampung20 Faith, Inc. sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.twenty20faith.org/yvdev3

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya