Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit AnupamanHalimbawa

Believing God Is Good No Matter What

ARAW 1 NG 5

“Walang kabutihan kung malalayo sa Diyos.” May ilang taong inaakalang ang Diyos ay kalimitang galit at ang Kaniyang biyaya ay panandalian lamang, ngunit kabaligtaran ito ng sinasabi sa atin ng Biblia! Nananatiling maganda ang pagtingin Niya sa iyo kahit na ang pakiramdam mo ay tila isang bulok na prutas. Isinantabi na ng Diyos ang masamang bagay na nagawa o nasabi mo. Maaaring nagalit Siya o nalungkot sa sandaling iyon, ngunit Siya ay nagpatuloy na. Ikaw rin ba? Hindi ka dapat mag-alala na mawawala ang pagtingin sa iyo ng Diyos dahil sa isang pagkakamali. Patuloy ang kabutihan ng Diyos at hindi ito nauubos. Ang Kaniyang biyaya ay nananatiling nakapalibot sa atin, nasa atin, at kasama natin; ang biyaya ng Diyos ay walang hanggan! Sa katunayan, walang kabutihan kung wala ang Diyos; hindi ito nagmula sa sarili nito—maliban sa, o malayo sa Kaniya. Lalong hindi ito isang bagay na nagmula sa tao (Kailangan mo bang turuan ang iyong mga anak na maging masama, o mabuti?). Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng kabutihan at lahat ng mabubuting bagay. May ilang tao na hinihiwalay ang kabutihan sa Diyos, at ang gawaing ito ay maaaring magpalaki sa kakulangan ng tao na pasalamatan, parangalan, at sambahin Siya. Ang araling ito ay tungkol sa simula ng paglalakbay tungo sa iyong pagtuklas ng mga kabutihan ng Diyos at ng mga anyo ng Kaniyang mga biyaya na kadalasang hindi mo napapansin sa iyong pang-araw-araw na buhay. Sa loob ng susunod na 5 araw ay unti-unti mong makikita ang iyong buhay sa liwanag ng biyaya ng Diyos. Pag-isipan: Ano ang mga mabubuting bagay sa iyong buhay na kadalasang hindi mo napapansin? MANALANGIN: Panginoon, salamat sa Iyong presensya sa aking buhay. Tulungan Ninyo akong buksan ang aking mga mata upang makita ko na Kayo ang pinagmumulan ng lahat ng mabubuting bagay at naghahatid ng biyaya sa aking buhay araw-araw. Sa ngalan ni Jesus. Amen.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Believing God Is Good No Matter What

May mga lumalaganap na mensahe ngayon, sa labas at loob ng simbahan, na nakasisira sa tunay na mensahe ng biyaya ng Diyos. Ang katotohanan ay hindi obligado ang Diyos na bigyan tayo ng mga mabubuting bagay—bagkus ay nais...

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah Publishing Group sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.goodthingsbook.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya