Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Tungkol Saan ang Pasko ng Pagkabuhay?Halimbawa

What Is Easter All About?

ARAW 2 NG 6

Nagsimulang Maging Masama ang mga Bagay



Sa babasahin ngayon mula sa Genesis, matututunan mo na ang mga pinakaunang tao ay tinawag na sina Adan at Eva. Binigyan sila ng Diyos ng isang mundong puno ng kalayaan, ngunit may isang bagay na hindi nila maaaring gawin. Bakit Niya ginawa ito? Ito ay para maaari silang lumakad palayo sa Diyos kung pipiliin nila. Sinabi rin Niya sa kanila kung ano ang kahihinatnan nito kung pipiliin nilang lumakad palayo: kamatayan. Bakit? Dahil ang Diyos ay ang buhay, bukod sa Kanya, walang buhay ang mahahanap. Ganoon lang iyon. 



Kaya, bakit ginawa ng Diyos ang tao na may kakayahang mamili—kahit na ang ibig sabihin nito ay maaari nating piliin ang mali sa tama? 



Binigyan tayo ng Diyos ng pagpipilian dahil ganyan ang ginagawa ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi namimilit. At ang Diyos ay pag-ibig. Sinasabi sa libro ni Santiago na lahat ng mabuti ay dumadaloy mula sa Kanya. Ginawa Niya tayo para magkaroon ng isang magandang pagkakaibigan sa Kanya nang walang hangganan—kung gustuhin natin. Ngunit sinira natin ito. 



Spoiler alert: Pinili nina Adan at Eva kung ang ano sinabi sa kanila na huwag gawin. Nang ginawa nila ito, nakaramdam sila ng kahihiyan sa pinakaunang pagkakataon. Ayaw ng Diyos na maramdaman nila ito, ngunit ganyan ang ginagawa ng kasalanan. Ito ay nagdadala ng kamatayan sa ating ligaya at kalayaan. Nagdadala ito ng kamatayan sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Masakit ito. Dahil dito, nawala ang lahat. Ito ang dahilan ng sakit sa ating mundo, sa isa't-isa, at sa ating mga sarili. Ito'y ating sariling kasalanan, ang ating paglakad palayo mula sa sinabi ng Diyos na tama, na nagdala ng kamatayan sa mundo. 



Ngayon, si Jason ay magbabahagi ng dagdag na detalye ng kanyang kuwento sa iyo. Ipapaliwanag niya kung ano ang pakiramdam na malamang ikaw ay inilayo sa isang bagay na mahal mo. 




Ang 6-na taong-gulang na si Jason ay nakaranas ng unang pagkakaintindi sa kawalan na naidudulot ng kamatayan. Nakaranas ka ba na mawalan ng isang taong malapit sa iyo? Ito ay isang nakakapagbagong-buhay na karanasan. Hindi ito gusto ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang magandang mundong ito para sa mga tao para tamasahin kasama Siya. 



Nakita ng Diyos na ating binaluktot ang Kanyang plano nang sobrang-sobra na hindi natin kaya pang ayusin muli. Kaya sinimulan Niyang ikalat ang balita sa Kanyang mga propeta na mayroon Siyang ipapadala upang ayusin ito lahat. Palapit na tayo sa Pasko ng Pagkabuhay! Mababasa mo ang tungkol dito bukas. 



Tanungin mo ang iyong sarili: Kung gumawa ako ng isang robot at gumawa ng programa nito upang ito ay sumagot lagi ng “oo” sa tuwing tatanungin ko ito kung mahal niya ako, ibig ba sabihin ay talagang mahal niya ako? Anong kaibahan sa pagitan ko at ng isang robot? 



Magdasal: Diyos, salamat sa pagbibigay sa amin ng kakayahang piliing mahalin Ka. Salamat sa pagbibigay-halaga sa aming pag-iisip at hindi Mo pinipilit kaming mahalin ka—kahit na karapat-dapat Ka naming mahalin! Ang ganyang klase ng pagmamahal ay mahirap para sa aking intindihin. Tulungan Mo akong intindihin unti-unti ang tungkol sa Iyo at sa Iyong pagmamahal bawat araw ng aking buhay. Sa ngalan ni Jesus, amen.



  


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

What Is Easter All About?

Minsan, may isang taong hinulaan ang Kanyang sariling kamatayan. Hinulaan din Niya na mamamatay Siya ng tatlong araw lamang. At tama Siya! Ang pagkamatay ni Jesus at ang Kanyang muling pagkabuhay ay ang mga kamangha-mang...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya