Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Buhay na Pag-asa: Ang Pagbibilang Tungo sa Pasko ng PagkabuhayHalimbawa

Living Hope: A Countdown to Easter

ARAW 3 NG 3

“Sundan Mo Ako.”



Naupo si Pedro sa kalungkutan at kadiliman, ang kanyang mga araw ay may tanda ng katahimikan ng Diyos. Ipinagkaila niya sa publiko na kilala niya si Jesus bago kaladkarin si Jesus upang ipako sa krus. At ngayon sa nakaraang ilang mga araw, kinailangan ni Pedro na harapin ang kanyang kalungkutan at pagkakasala nang walang pag-asang titigil na ang sakit. 



Ngunit sa unang bahagi ng umaga ng ikatlong araw, ang libingan ni Jesus ay natagpuang walang laman at ang bato ay nasa gilid. Habang si Pedro ay nakikipagsapalaran sa takot kasama ng iba pang mga alagad - sinusubukang linawin ang mga kaganapan sa araw - biglang nagpakita si Jesus kay Pedro ganap na buhay



Sa halip na hayaang mabuhay si Pedro sa kahihiyan ng kanyang dating pagkakamali, hinila siya ni Jesus at tinanong siya ng isang katanungan na nagbunsod kay Pedro sa kanyang hangarin: 



“Mahal mo ba ako?”



Sa katanungang ito, inanyayahan ni Jesus si Pedro na kumpirmahing muli ang ugnayan na ikinaila niya. Ang kapangyarihan ni Jesus laban sa kamatayan at kadiliman ay nangangahulugan na hindi dapat manatiling matukoy ni Pedro ang kanyang dating pagkakamali. Maaari pa rin niyang yakapin ang tawag sa kanyang buhay at maging pinuno na laging alam ni Jesus na maaari niyang marating. 



Tulad ni Pedro, may pagkakataon kang sabihin na "oo" sa pagmamahal kay Jesus at sa pagmamahal Niya. Kahit gaano man kagulo ang buhay mo, o kung gaano kalayo ang nararamdaman mo, walang makakapaghiwalay sa iyo mula sa Kanyang pagmamahal. Ang iyong mga nakaraang pagkakamali o kasalukuyang problema ay hindi nagdidikta ng iyong layunin kung ang iyong buhay ay nakaugat kay Cristo lamang. 



Ang muling pagkabuhay ay tiniyak sa atin na walang sitwasyon o pagkakamali ang imposibleng matubos ng Diyos. Walang takot na hindi malulupig ni Jesus at walang buhay na hindi Niya kayang pagalingin. Walang kadiliman ang makakatiis laban sa kapangyarihan ng nabuhay na Diyos na sinakop ang kamatayan para sa atin. Walang hindi magagawa ang Diyos natin. 



Manalangin: Jesus, salamat sa paglupig mo sa kamatayan para sa akin. Nagpapasalamat ako na walang makapaghihiwalay sa akin mula sa Iyong pag-ibig, at walang pagkakamali ang makakapag-aalis ng karapatan sa akin sa Iyong mga plano. Ngayon, ipaalala sa mo akin kung sino ako ayon sa Iyong pagkakatawag. At kapag nagsimula akong magakaroon ng pakiramdam na hindi karapat-dapat, tulungan Mo akong alalahanin na pagnilayan ang Iyong pagkabuhay na mag-uli at magalak na Ikaw lamang ang aking kaligtasan. Mahal Kita, at ngayon pinipili kong sundin Ka.


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Living Hope: A Countdown to Easter

Kapag napapalibutan ka ng kadiliman, paano kang tumutugon? Sa susunod na 3 araw, puspusin ang sarili sa kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay at tuklasin kung paanong manghahawakan sa pag-asa kapag pakiramdam mo ay pinabayaan k...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya