Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Paalala sa BuhayHalimbawa

Reminders for Life

ARAW 4 NG 6

Ang Kapangyarihan ng Isang Matulunging Pamayanan 



Ang pagbabalanse sa lahat ng mga hinihingi ng buhay ay mahirap. Napakaraming mga bagong pagpupunyagi na kailangang harapin pagdating sa hustong gulang. Ang balanse sa pagtatrabaho. Pagiging isang mabuting kaibigan at pagiging miyembro ng pamilya. Pag-aalaga sa sarili pagdating sa pisikal at pangkaisipang aspeto. At marami pang iba. Napakarami nating responsibilidad, at kung minsan ay napakahirap na pagsabay-sabayin ang lahat ng ito. 



Anong sasabihin ni Jetro, ang biyenang-lalaki ni Moises, sa iyo? Hindi lahat ng bagay ay nakasalalay sa iyo. 



Nang magsimulang maglingkod si Moises bilang tagahatol para sa mga Israelita, sinabi sa kanya ni Jetro na kailangan niyang gumawa ng mga pagbabago. Kailangan niyang kumuha ng mga tutulong sa kanya na may kakayahan, mapagkakatiwalaan, at mga taong may takot sa Diyos. Sinabi ni Jetro kay Moises na sa ganitong paraan ay makakayanan nito ang "anumang suliranin" (Exodo 18:23). 



Katulad din nito, kailangan mong humingi ng tulong at sumandal sa iyong pamayanan. Hindi ka makakatakbo ng puro hangin lang, at tulad ni Moises, makakatagal ka at hindi ka masyadong mahihirapan kung matututunan mong sumandal sa ibang tao. 



Hindi tayo ginawa ng Diyos na mabuhay o manatiling nag-iisa. Sa totoo lang, ang pinakaunang bagay na sinabi ng Diyos ay hindi mabuti sa taong mag-isa (Genesis 2:18). Kailangan natin ang pamayanan, at kailangan natin ng tulong. At hindi nakakahiyang hingin ito. 



Kung kailangan mo man ng tulong mula sa Diyos, sa isang kaibigan, sa isang miyembro ng pamilya, sa isang tagapayo, sa isang miyembro ng iglesia, o sa isang pastor, hingin mo ito. 



Sinunod ni Moises ang payo ni Jetro, at pagkatapos, isinulat ni Moises ang 10 kautusan, at nanatiling nakakarinig at nabubuhay para sa Diyos, habang pinamumunuan ang mga Israelita. Isipin mo na lang kung gaano pa ang makakaya mo at kung paano mong matutupad ang iyong layunin kapag huminto kang gawin ang lahat sa iyong sariling kakayahan. 



Anong kailangan mong ihintong gawin nang mag-isa? 



Manalangin: O Diyos, salamat sa matalinong payo at sa pamayanan. Habang pinapakawalan ko ang pamamahala at ang ilang gawain, partikular na ang ____, hinihiling ko na bigyan Mo ako ng kapayapaan. Maaaring naisin kong "gawin ang lahat," ngunit hindi ko kayang gawin ang lahat nang nag-iisa at nang mag-isa. Salamat sa pamayanan at sa mga taong nagmamahal sa akin at handa akong tulungan. Sa pangalan ni Jesus, amen.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Reminders for Life

Anong pangaral ang maaaring maibigay ng mga di-gaanong kilalang mga tauhan sa Biblia para sa mga Milenyal at/o mga Henerasyon Z? Tuklasin sa 6-araw na Gabay sa Bibliang ito.

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya