Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Barandilya: Ang Pag-iwas sa Pagsisisihan sa Iyong BuhayHalimbawa

Guardrails: Avoiding Regrets In Your Life

ARAW 3 NG 5

Lahat tayo ay may kakilala, ay isa,  o magpapalaki ng isang nilalang na ang buhay ay ibang-iba sana kung nagtalaga lamang sila ng mga barandilya sa pamamahala ng kanilang sekswal na moralidad.



Ang paggawa nito ay hindi ang popular na pinipili. Sa katunayan, dito pinakamatinik ang kultura na akitin tayo sa bingit (at saka kastiguhin at hiyain kapag nagkamali na tayo) pagdating sa ating mga moral na pamantayan. Nanonood tayo ng mga pelikula, nakikinig ng mga kanta, at nagbabasa ng mga libro na niluluwalhati ang pakikipagtalik sa labas ng buhay mag-asawa. Madalas laman ng ating mga libangan ang mga ganito. Ngunit pag may nangyari na . . . kapag nalaman nating may kakilala tayong nakikiapid? Biglang-bigla tayo. 



Kaya, narito ang maliwanag na babala: ang kultura ay sasalungat sa iyong pagsisikap na magtalaga ng mga moral na barandilya. Ngunit sa sipi para sa araw na ito, ipinapaliwanag ni Apostol Pablo kung bakit labis na mahalaga ang mga ito. 



Sinasabi niya na kakaiba ang pinsalang dulot ng sekswal na imoralidad. Sa katunayan, ibinubukod niya ito sa sarili nitong kategorya, at sinasabing ang gumagawa nito "ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan." Sa madaling sabi, masama ito para sa kaapid mo at masama ito para sa iyo. At, higit pa roon, hindi ka kailanman makakawala sa mga konsikuwensiya. Maaari kang bumangon sa pinansiyal. Maaari kang bumangon sa akademika. Ngunit sa sekswal na kasalanan, naiiba. Wala itong kinalaman sa pagtanggap at pagmamahal sa iyo ng Diyos. Kaya lang sa sekswal na kasalanan, hindi na mababawi ang pangyayari.



Kaya't ano ang tagubilin ni Pablo? "Magsitakas kayo..."



Hindi ba iyan ang nais ng bawat asawang lalaki na gawin ng kanyang asawang babae? Ang nais ng asawang babae na gawin ng asawang lalaki? Ang nais ng bawat kuya na gawin ng nakakabatang kapatid na babae? "Magsitakas kayo sa pakikiapid."



Paano natin gagawing personal na barandilya iyan? Isipin natin kung paano ipinaliwanag ni Jesus kung ano ang kasalanan, at saka natin tingnan kung paano ito mailalapat sa sekswal na kasalanan. Sa kabuuan ng Kanyang pagmiministeryo, ipinangaral ni Jesus na ang pinakamabuti para sa ibang tao ang pinakamabuti. Ang kasalanan, kung gayon, ay ang kahit na anong hindi umaabot sa pamantayang iyon. Kahit kailan na ilagay ko ang sarili ko bago sa iyo na makakasama sa iyo, kasalanan ito. Kahit kailan na ilagay mo ang sarili mo bago sa akin na makakasama sa akin, kasalanan ito.



Kaya, ang barandilya para sa ating sekswalidad ay dapat mag-iwas sa atin sa anumang makakasama sa ating kapwa. Makakaramdam ba siya ng pagkahiya? Magiging lihim ba ito na kailangan niyang itago habambuhay? Makakapinsala ba ito sa kanyang mga relasyon sa hinaharap? Kaya't tulad ng sinabi ni Pablo, "Magsitakas kayo." 


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Guardrails: Avoiding Regrets In Your Life

Ang mga barandilya ay inilalagay upang hindi malihis ang ating mga sasakyan sa mga peligroso o hindi maaaring puntahang mga lugar. Madalas ay hindi natin nakikita ang mga ito hangga't sa kailangan na natin silang makita—...

More

Nais naming pasalamatan ang North Point Ministries at si Andy Stanley para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang: https://www.anthology.study/anthology-app

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya