Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Life on Mission (PH) Halimbawa

Life on Mission (PH)

ARAW 2 NG 5

### Ipanalo ang pagkakaibigan, hindi ang pagtatalo Ang buhay sa misyon ay nangangahulugang magpakatotoo at tanungin ang iyong sarili kung kumusta ang iyong pakikipagkomunikasyon mo sa iba, hindi lang sa salita kundi sa gawa. Naranasan mo na bang makipag-usap sa iba tungkol sa Diyos, o tungkol sa iyong pananampalataya, pero nauwi lang ito sa debate na walang pinatunguhan? Siguro tama naman lahat ng argumento mo o nagbahagi ka ng personal mong patotoo, pero tuloy parin ang hindi pagtanggap ng mga tao sa mga sinasabi mo. Naramdaman mo na rin siguro na ang sarap na lang nilang sukuan, pero naisip mo bang baka may mas importante pang nakataya rito? Hindi ibig sabihin na kapag nanalo ka sa pagtatalo ninyo ay nakuha mo na ang loob ng tayong iyon. Kabaligtaran pa nga. Ang mga debate at mainit na talakayan ay maaari lamang magsanhi ng hadlang o distansya sa inyo ng taong iyon na magiging balakid upang matanggap nila ang Ebanghelyo. Sinabi nga sa 1 Pedro 3:15 na maging magalang tayo at maging mahinahon sa pagbahagi natin kung bakit natin pinaniniwalaan ang pinaniniwalaan natin. Kapag ang pag-uusap ay naging debate na, nagkakaroon ng pagitan na nagsasanhi para maging depensibo ang mga tao. Sa mga ganoong pangyayari, lahat ng sasabihin ng bawat isa, kailangan may pantapat at panlaban. Madalas sa mga debate na nangyayari karamihan ng mga tao ay gusto na sila ang makitang tama, kaya mas mahirap nang sumalungat sa pagiging depensibo nila. Kaya kung maaari, magpalit ng taktika at iwasan ang mga debate. Mas mainam na paraan ang pagbahagi na lang ng iyong mga karanasan sa isa’t isa. Ibig sabihin, pakinggan ninyo ang kwento ng bawat isa. Pwede mong ikwento ang mga sitwasyon kung saan tinulungan ka ng Diyos at kung paano ka Niya binago nang makilala mo Siya. Pwede kang magkwento ng mga bagay na nangyari sa iyo at tanungin mo sila kung gusto rin ba nilang maranasan ang mga bagay na naranasan mo mula nang magbalik ka sa Panginoon. Pwede ka pang mag-alok na ipagdasal sila. Kung humindi man sila, maaari mong iwan ang pag-uusap sa kaisipang naipinanalo mo ang pakikipagkaibigan hindi ang pagtatalo. Ang pagkapanalo sa isang pagtatalo ay maaaring magdulot ng hidwaan sa pakikipagkaibigan at mahahadlangan nito ang iba pang mga pagkakataon upang makapagbahagi sa positibong paraan. Kapag nakuha mo ang loob ng tao, marami ka pang mga pagkakataon para mapangaralan sila at maibahagi mo ang buhay mo sa kanila. Siguro ay may naaalala kang panahon kung kailan hindi umayon sa tama ang pagkakataon mo upang magbahagi, ito na ang pagkakataon para kausapin ang Diyos tungkol diyan. Pwede mo pa bang kausapin muli ang taong iyon para maibalik ang pagkakaibigan ninyo at magkaroon ng pagkakasundo?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Life on Mission (PH)

Ano nga ba ang hitsura ng isang buhay sa misyon’? Bakit hindi natin tuklasin ang posibilidad ng pakikipagsapalaran sa buhay na buong-buong isinuko sa Diyos? Ano nga ba ang hitsura ng mga buhay natin kung susunod tayo sa ...

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya