Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paggamit ng Iyong Oras para sa DiyosHalimbawa

Using Your Time for God

ARAW 4 NG 4

"Ang Pagsasaayos ng Iyong Palatuntunan"





Gamitin ang libreng oras sa paggawa ng mga bagay na magbibigay kapakinabangan sa iyong buhay. Ang pagbabasa ay isang mahalagang paggugol ng oras. Ipinayo ni Augustine sa mga mananampalataya na sikaping alamin ang maraming bagay hangga't maaari, sapagkat lahat ng katotohanan ay katotohanan ng Diyos. Ang iba pang mga gawain na kapaki-pakinabang ay nasa larangan ng sining. Mahilig din akong magsagot ng mga crossword puzzles upang mahasa ang aking utak at mapalawak ang kaisipan ko pagdating sa mga salita.





Humanap ka ng mga paraan upang madaya ang antok. Naging ugali kong matulog kapag 8 o 9 p.m. at kung maaari ay gumising ng 4 a.m. Isang magandang pagbabago ang naidulot nito sa aking schedule. Ang mga unang oras ng araw ay malaya sa mga paggambala, kaya't ito'y mainam na oras para sa pag-aaral, pagsusulat at pananalangin.





Gamitin ang oras ng pagmamaneho sa pag-aaral. Ang pagmamaneho ay isang gawaing mekanikal na nagbibigay pagkakataon sa isipang maging mas alerto sa iba pang bagay bukod sa kung ano ang nangyayari sa kalsada. Ang pakikinig sa mga recording ay magagamit sa mga ganitong pagkakataon.





Sa dulo, madalas na ang pagkakaroon ng schedule ay mas nakapagbibigay kalayaan sa halip na maging makapaniil. Ang pagkakaroon ng palatuntunan ay malaking tulong upang maisaayos ang ating paggamit ng oras. Ang palatuntunan ay marapat na maging kaibigan, hindi kaaway. Tinutulungan tayo nitong makahanap ng ritmong makagpagbibigay ng buhay na mabunga at nagbibigay luwalhati sa Diyos.





Coram deo: Pamumuhay sa harapan ng Panginoon





Kung wala ka pang palatuntunan, gumawa ka at gamitin mo ito sa loob ng isang linggo, pagkatapos ay suriin kung paano ito nakatulong sa iyo upang tubusin ang iyong oras. Kung may palatuntunan ka na, gumugol ng oras upang suriin at ipanalangin kung ano ang mga bagay na kailangang unahin mo sa buhay.





Karapatang maglathala © Ligonier Ministries. Kumuha ng libreng aklat mula kay R.C. Sproul sa Ligonier.org/freesource.
Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Using Your Time for God

4-Araw na debosyonal mula kay R.C. Sproul sa paggugol ng iyong oras para sa Diyos. Ang bawat debosyonal ay isang pagtawag sa bawat isa na mamuhay sa presensya ng Diyos, sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos, para sa kaluwa...

More

Nais naming pasalamatan ang Ligonier Ministries sa pagbibigay ng babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa Ligonier.org/freeresource

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya