Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Tagpo sa KapanganakanHalimbawa

The Nativity Scene

ARAW 2 NG 4

Alalahanin mo ang panahon noong ikaw ay bata pa. Anong naguni-guni mong kahihinatnan mo kapag dumating ka sa edad mo ngayon? Anong naiisip mong magiging buhay mo 5 taon mula ngayon, 10 taon, 25 taon? 



Ang pag-iisip tungkol sa hinaharap ay maglalabas ng iba't-ibang damdamin para sa marami sa atin. Maaaring maging isang nakakatakot na pagsasagawa ang pag-iisip tungkol sa hinaharap kung hindi mo sigurado kung anong susunod na gagawin mo sa iyong buhay. Kung may nasa puso ka nang isang tiyak na daan na nais mong tahakin, maaaring maging kapana-panabik ang gagawin mo upang maabot ang iyong mga layunin. Ngunit paano kung hindi mo inaasahan ang patutunguhan ng buhay? 



Iyan ang sitwasyong natagpuan ni Jose noong may isang anghel ng Panginoon na nagpakita sa kanya at ibinalitang ang kanyang kasintahan ay magsisilang ng isang batang lalaki. Malamang na hindi naisip ni Jose na ang pagpapakasal kay Maria ay may kaakibat na responsibilidad ng pagpapalaki sa anak ng Diyos na parang anak din niya. 



Kung iyan ay tila napakalaking responsibilidad, iyan ay dahil talagang napakalaki nito! Ngunit si Jose ay matuwid na tao at kahit na wala na tayong masyadong nabasa sa Banal na Kasulatan tungkol sa kanya, nakita natin na may kasiyahan niyang ipinagpatuloy ang kasunduan sa pagpapakasal kay Maria at ang pag-aalaga kay Jesus bilang kanyang sariling anak. 



Bagaman at ang mga pangyayaring nakapaligid sa kapanganakan ni Jesus ay isang sorpresa sa Kanyang mga magulang, ito ay hindi isang sorpresa para sa Diyos. Sa ating mga sariling buhay, may mga bagay na nakakagulo sa ating mga plano. Ang mga pangyayaring ito ay magbabago sa pamamaraang hindi natin inaasahan at bagama't sila ay nakakagulat sa atin, kailangan nating tandaan na ang Diyos ay hindi nagugulat sa mga pangyayari sa buhay natin. 



Naplano na Niya ang lahat ayon sa Kanyang kaloobang lakaran mo. Ganoon din naman, hindi aksidente ang pagpili Niya kina Maria at Jose upang siyang maging mga magulang ng Kanyang anak dito sa lupa. Pinili Niyang gamitin ka kahit na hindi mo inaasahan ang Kanyang mga plano. 



Mga Tanong na Pagninilayan:



Madalas nating iniisip si Jesus bilang isang sanggol at pagkatapos ay naging dakilang guro, ngunit paano kaya ang maging magulang ni Jesus? Sa palagay mo kaya ay naging puno ito ng kasiyahan?



Ano ang isang paraan kung paanong ginamit ng Diyos ang mga nakakagulat na pangyayari sa buhay mo sa paraang hindi mo inaasahan?


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Nativity Scene

Isa sa maraming tradisyon sa Pasko para sa mga pamilya ay ang maglagay ng isang tagpo ng kapanganakan na naglalarawan ng pagsilang kay Jesus. Kadalasan, nakikita natin si Maria, si Jose, ang mga pastol, ang mga tupa, at ...

More

Nais naming pasalamatan ang Youth Commission International sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://yciclubs.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya