Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Be a Peacemaker (PH)Halimbawa

Be a Peacemaker (PH)

ARAW 1 NG 5

Be a Peacemaker

 

Hindi mo kailangan pag-isipan pa nang matagal para ma-identify ang mga tao na talagang pinanindigan ang pagiging Peacemakers throughout history. Tulad nalang nila Martin Luther King, Jr., Mother Teresa at Nelson Mandela – talagang matatapang at pursigido sila. Sila ‘yung mga taong aware na ang “pain of change” is not as bad as the “pain of staying the same.” Mga taong naglunsad ng kapayapaan at nagsimula ng pagbabago. Sila ang nag-set ng example na dapat nating tularan.

 

Dati iilang tao lang ang nabibigyang boses ng media, pero sa panahon natin ngayon kahit sino may opportunity na na mag voice out ng saloobin dahil mayroon nang social media. Pwede nating magamit ito upang tayong mga Kristiyano ay mag hayag ng stand natin sa ating pananampalataya at maging simula ng pagbabago. Ang tanong: Ano nga bang bukambibig natin at anong klaseng pagbabago nga ba ang gusto nating mangyari?

 

Kung iispin mo, ang peace parang love, maraming pwedeng ibig-sabihin. Pero meron tayong opportunity ngayon to declare the true meaning of peace through our words and action at ipakilala ang mga tao kay Jesus, ang original na Peacemaker. 

 

Lahat ng ginawa ni Jesus pointed to peace. As in. In fact, yung reason nya in coming to earth was to bring peace.

 

Sa John 8:1-11 makikita natin na nung nag-gather yung religious leaders para batuhin ang isang babae who broke the law, inoffer ni Jesus ang peace, forgiveness and a new way to live.

 

Availabe at accessible today ang peace na ito; kaya tayo tinawag para i-share ‘to sa mundo! Because the truth is, hindi talaga natin pwedeng maencounter si Jesus without being a peacemaker. Ang pagiging peacemaker is part of being surrendered to God dahil Siya lang ang nagbibigay ng totoong kapayapaan. 

 

Tinawag tayong peaceMAKERS, hindi peaceKEEPERS.

 

Peacekeepers keep peace from a place of fear sa pamamagitan ng pag-iwas sa gulo, samantalang ang peacemakers ay nagrerestore ng peace from a place of strength and reconciliation.

 

Bilang mga ambassador ni Jesus at agents of peace, oras na para mag-step up tayo at maging responsible to MAKE peace sa ating community at cities.  Hindi ito magiging madali. It will require conviction, diligence, perseverance at willingness to step out of our comfort zone at i-model si Jesus sa iba para marealize nila ang purpose at destiny nila with Him, pero it will be worth it!

 

Matthew 5:9 says, “How blessed you are when you make peace! For then you will be recognized as a true child of God.” 

 

Ready at willing ka ba to be a peacemaker?

 

Sa mga susunod na araw, sama sama nating i-uunpack ang ibig nitong sabihin sa araw-araw na pamumuhay at matuto na i-apply to sa designated places natin.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Be a Peacemaker (PH)

Ang pagiging isang peacekeeper ay hindi nakapagdadala sa atin ng totoong kapayapaan dahil ang peacekeepers ay nagbibigay ng false sense of peace via avoidance. Subalit, bilang isang Kristiyano, meron kang ultimate connec...

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya