Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pagbabagong-Anyo ng Alibughang Anak ni Kyle IdlemanHalimbawa

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

ARAW 1 NG 7

“Ang Recipe para sa AHA”

May ganitong cookbook sa bahay ang aking asawa, regalo sa aming kasal. Ito’y tinatawag na “Ang Tatlong Sangkap na Cookbook.” Gugustuhin niyang sabihin ko sa’yo na hindi naman niya talaga ginagamit ito. Kapag siya’y nagluluto, karaniwang higit sa tatlong sangkap ang ginagamit niya. Ang totoo, ako ang gumagamit ng “Ang Tatlong Sangkap na Cookbook.”

Sa mga bihirang pagkakataon na pinapayagan ako sa kusina, ang cookbook na ito ang aking matalik na kaibigan sa pagluluto, dahil sa totoo lang, tatlong sangkap lamang ang aking kapasidad sa pagluluto. Isa sa mga bagay na natutunan ko sa mahirap na paraan ay kapag ginagamit mo Ang Tatlong Sangkap na Cookbook, ay lahat ng mga sangkap ay kinakailangan—hindi, talagang kinakailangan.

Ito ang hindi maganda sa Ang Tatlong Sangkap na Cookbook. Hindi ka puwedeng mandaya. Kung dalawang sangkap lamang ang gamit mo, hindi ito magiging maayos.

Ganito rin ang katotohanan ng mga karanasan sa AHA.

Nakapakinig na ako ng daan-daang—kung hindi man libo-libong—karanasang AHA ng mga tao sa nakalipas na mga taon. Pinag-aralan ko ang maraming karanasan ng pagbabago ng mga pangunahing tauhan sa Biblia. Sa isang kapuna-punang pagkakatulad, ang AHA ay laging may tatlong sangkap. Kung ang isa sa mga sangkap ay nawawala, sinisira nito ang proseso ng pagbabago:

(1) Isang Biglaang Paggising (2) Brutal na Katapatan (3) Agarang Pagkilos (Awakening, Honesty, Action = AHA)

Kung may paggising at katapatan, pero walang pagkilos, hindi mangyayari ang AHA. Kung mayroong paggising at pagkilos, pero hindi nakita ang katapatan, ang AHA ay hindi magtatagal.

Ngunit kapag ang Salita ng Diyos at ang Banal na Espiritu ang magsasama-sama ng tatlong ito sa iyong buhay, mararanasan mo ang AHA—isang sandaling kaloob ng Diyos na magpapabago sa lahat ng bagay.

* Handa ka na ba para sa sandaling AHA na siyang magpapabago sa iyo? Handa ka bang maranasan ang tatlong hakbang na ito tungo sa prosesong ito?

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Prodigal Son Transformation With Kyle Idleman

Hango sa kanyang aklat na "AHA," samahan si Kyle Idleman sa kanyang pagtuklas sa 3 elemento na makapagpapalapit sa atin sa Diyos at makapagpapabago sa ating buhay para sa kabutihan. Handa ka na ba sa sandaling ginawa ng ...

More

Nais naming pasalamatan si David C Cook sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.dccpromo.com/aha/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya