Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Ang Pagbangon ng KaligtasanHalimbawa

Salvation Rise

ARAW 1 NG 10

Glory Be

Pakinggan ang "Glory Be" at pagkatapos ay basahin ang mga sumusunod:

Nasira sa gitna ng dagat ang barkong sinasakyan mo.

Ang mga piraso ng bangka ay lumulubog sa paligid mo. Sinubukan mong lumangoy palayo, ngunit may isang mabigat na piraso mula sa barko ang hinihila ka pailalim ng dagat. Hindi ka makalutang para kumuha ng hangin at huminga.

Walang mag-aakalang maililigtas mo ang sarili mo sa ganoong sitwasyon. Hindi mo lang kailangang madala sa ibabaw ng dagat at makahinga, kailangan mong makarating sa pampang upang masiguradong ligtas ka.

Kung wala si Jesus, lahat tayo ay lunod sa kamatayang espirituwal. Hindi natin maiaahon ang sarili at hindi rin maililigtas ang ating sarili.

Hindi lamang tayo mga masasamang tao na kailangang maging mabuti; tayo ay patay sa kasalanan at kailangang maipanumbalik sa buhay.

Ang biyaya ay pagbibigay ng Diyos sa atin ng mga bagay na di natin karapatdapat tanggapin. Kapag tayo ay nasa pinakamalubhang kalagayan, bilanggo ng kasalanan at pagrerebelde sa Diyos, dito namamagitan si Jesus. Dahil kay Jesus, nagkakaroon tayo ng kakayahang mabigyan hindi lamang ng pangalawang pagkakataon sa buhay, kundi ng pagkakataong mamuhay ng mabuti at matiwasay.

Hindi natin kayang pagsikapan ang kabutihan natin, ngunit mahal tayo ng Diyos nang higit pa sa karapat-dapat o sa ating kayang isipin.

Ang biyaya ng Diyos ang nagbibigay ng malaking pagbabago. Inilalagay tayo nito mula sa kamatayan patungo sa buhay, at mula sa naliligaw patungo sa nahanap. Ano ang sinasabi ng kamangha-manghang biyayang ito tungkol sa Diyos?
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Salvation Rise

Tinitingnan ng Salvation Rise ang mga bersikulo kung saan hinango ang mga kanta ng bagong album ng NewSpring Worship. Isinulat para sa mga Cristiano, ang sampung araw na babasahing ito ay  pagpupugay kung sino ang Diyos,...

More

Nais naming pasalamatan ang NewSpring Church para sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.newspring.cc

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya