Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Huwag kang susukoHalimbawa

Don't Give Up

ARAW 1 NG 7

Araw 1—True North



Kung minsan nararamdaman mo na para kang isang malungkot na barko na dinadala ng alon sa maunos na dagat. Pabalik-balik kang nakalutang na walang patutunguhan, naghahanap ng anumang palatandaan ng pag-asa. Kung walang compass, ang makatungtong sa lupa ay imposible.



Maihahalintulad din ito sa ating buhay. Ang maglayag ng walang compass at umaasang matutupad mo ang layuning itinalaga sa iyo ng Diyos sa mundo ay isang malaking hamon. Dahil dito, kailangan mo ang isang true north—ang palagiang sentro na hindi nagbabago. Mayroon lang nag-iisang pag-asa at ang Kanyang pangalan ay Jesus.



Ang Diyos lamang ang makapagbibigay sa iyo ng lakas at tatag para sa masaganang buhay. Kung ikaw ay napapagod, ang Kanyang bisig ang dadampot sa iyo at hihinga sa iyong mga buto. Kung ikaw ay sobrang lugmok upang makagawa ng isa pang hakbang, ang Kanyang bukal ng buhay ay dadaloy at muli kang pupunuin. Kung ikaw ay naliligaw at walang katiyakan, ang Kanyang karunungan at pang-unawa ang magbubukas ng iyong pagod na mata at magbibigay tanglaw sa iyong lakbayin.



Mapanatag: wala nang ibang true north, wala nang ibang pinanggagalingan ng lakas na aalalay at tanglaw na matapat na papatnubay sa iyo. Talikuran mo ang mga katugunan ng mundo na sasagot sa iyong kapaguran at yakapin ang iyong true north. Siya ang nag-iisang di nagmamaliw na pinanggagalingan at angkla ng lahat ng sitwasyon.



Kung pakiramdam mo ngayon na ikaw ay magulong barko sa gitna ng alon, bago mo hanapin ang anupamang bagay, hanapin si Jesus. Nawa'y ang Panginoon ang pumatnubay sa iyong puso at ang Kanyang lakas ang magpapatatag sa iyo sa pinakamadilim mong kalagayan kung saan ninanais mo na lamang sumuko. 



Sa loob ng 7-araw na Babasahing Gabay na ito, una nating susuriin ang Biblia at tutuklasin kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa pagtitiyaga at pagtitiis. Ito ang iyong paalaala at pagpapalakas upang makapagpatuloy pa rin kahit sa mahirap na kalagayan. Kaya, halika at samahan mo akong tuklasin kung ano ang sinasabi ng Biblia na bunga ng pagtitiyaga at kung sino ang nasa Biblia na nagtiis sa gitna ng kahirapan.



At tandaan: ituon ang mata kay Jesus, mga kaibigan!


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Don't Give Up

Nangyari na ba na ikaw ay lubhang napagod o talunan sa buhay at ninanais mong bumitiw at sumuko? Ang Biblia ay puno ng panghihikayat na magpursigi at magpatuloy! Ang 7-araw na babasahing gabay na ito ay magpapaginhawa sa...

More

Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.brittanyrust.com

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya