Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Alituntunin sa Pangangasiwa ng Oras Mula sa Salita ng DiyosHalimbawa

Time Management Principles From God’s Word

ARAW 3 NG 6

Panagutan ang Iyong mga Pangako

Iniutos ni Jesus na ang ating “Oo”ay dapat na maging “Oo” ngunit kadalasan, ang “Oo” ng isang Cristiano sa totoo lang ay “Hindi.” Sa tuwing nabibigo tayong sundin ang ating mga pangako, dumadating ng lampas sa itinakdang oras, hindi natatapos ang isang proyekto sa oras, o ang hindi natin pagtupad sa pangako natin sa voicemail na tatawagan natin sila “sa pinakamaagang pagkakataon” sinusuway natin ang kautusan ni Jesus na ang ating “Oo” ay maging “Oo.” Sa ating buhay na napakabilis ng takbo, mas madalas pa nating sinasabi ang ating “Oo” habang lalo tayong hindi nakakatupad sa ating mga binitawang salita. Ang katotohanang ang kasalanang ito ay tila baga hindi nakapipinsala ay dapat makaalarma sa Iglesia. Tayo ay ginawang kawangis ng Diyos, kumakatawan kay Jesu-Cristo sa isang napariwarang mundo. Upang mailarawang mabuti ang Tagapagligtas, kailangang iniingatan natin ang ating salita. 

Ngunit paano nga ba natin talaga magagawa ito? Nagsisimula ito sa pagkakaroon ng pamamaraan upang mapanagutan ang iyong mga pangako. Maaring ito ay kasing-payak ng isang pirasong papel o kasing-kumplikado katulad ng OmniFocus. Ang kasangkapang gagamitin ay hindi ganoon kahalaga kumpara sa pamamaraan. Kung susundin natin ang kautusan ni Jesus na ang ating “Oo” ay maging “Oo,” kinakailangang mayroon tayong kaparaanan kung paano nating masusubaybayan ang lahat ng ating sinasabihan ng “Oo.” Tama naman, di ba? Oo! Ngunit nakakalungkot na kakaunting tao ang nakakagawa nito. Ang mabuting balita ay ito, napakasimpleng suliranin nito na kayang bigyan ng kalutasan.


Mamaya, maglaan ka ng 30 minuto upang gumawa ng “mind-dump” ng lahat ng mga pangakong ginawa mo sa iyong sarili, sa iyong mga kaibigan, sa iyong asawa, sa iyong mga anak, sa iyong mga katrabaho, atbp. Kapag kumpleto na ang iyong listahan, tingnan mo kung alin sa mga ipinangako mo ang kailangang muling ayusin o kaya naman ay tapusin na. Halimbawa, maaaring nangako ka sa lola mong tatawagan mo siya noong isang linggo at hindi mo pa ito nagagawa. Maglaan ka ng 5 minuto upang tawagan siya upang sa ganoon ay matupad mo ang iyong pangako. Gawin mong ang iyong “Oo” ay maging “Oo” kahit na ito ay naantala. Pangako ko sa iyo, kapag nagawa mo ito at nakatitiyak kang wala na ito sa isipan mo, makakaramdam ka ng matinding kaginhawahan at kapayapaan.

Ang aklat ni David Allen na Getting Things Done ang pinakamagandang aklat na natagpuan ko upang matulungan kang mabantayan ang iyong mga pangako. Pindutin dito  upang i-download ang maikling buod ng aklat at ilan pang mga payo upang matiyak mong ang iyong “Oo” ay nangangahulugan laging “Oo”

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Time Management Principles From God’s Word

Nalulungkot ka ba dahil sa hindi humihigit sa 24 ang mga oras sa isang araw? Natatabunan ka ba sa dami ng mga gawaing nakasulat sa iyong listahan ng mga dapat gawin? Pagod ka na ba sa pagiging pagod at walang sapat na pa...

More

Nais naming pasalamatan si Jordan Raynor sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.jordanraynor.com/time/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya