Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 86:11-17

Mga Awit 86:11-17 RTPV05

Ang kalooban mo'y ituro sa akin, at tapat ang puso ko na ito'y susundin; turuang maglingkod nang buong taimtim. O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan. O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas; di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay. Mayroong mga taong ayaw kang kilanlin, taong mararahas, na ang adhikain ay labanan ako't ang buhay ay kitlin. Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait, wagas ang pag-ibig, di madaling magalit, lubhang mahabagi't banayad magalit. Pansinin mo ako, iyong kahabagan, iligtas mo ako't bigyang kalakasan, pagkat ako'y lingkod mo rin tulad ng aking nanay. Pagtulong sa aki'y iyong patunayan; upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nilang mayroong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan!

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya