Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

TITO 1

1
1Si Pablo, na alipin ng Dios, at apostol ni Jesucristo, ayon sa pananampalataya ng #Luc. 18:7; Rom. 8:33. mga hinirang ng Dios, at #2 Tim. 2:25. sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan,
2Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na #2 Tim. 1:9. ipinangako ng Dios #2 Tim. 2:13. na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;
3 # 1 Tim. 2:6. Nguni't sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral, na sa akin ay ipinagkatiwala #1 Tim. 1:1. ayon sa utos ng Dios na #Luc. 1:47; Tit. 2:10; 3:4. ating Tagapagligtas;
4Kay #2 Cor. 2:13. Tito na aking #1 Tim. 1:2. tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat: Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin.
5 # 1 Tim. 1:3. Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at #Gawa 14:23; 2 Tim. 2:2. maghalal ng #1 Tim. 5:17, 19. mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;
6 # 1 Tim. 3:2-4. Kung ang sinoman ay walang kapintasan, asawa ng isang babae lamang, na may mga anak na nagsisisampalataya, na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail.
7Sapagka't dapat na ang obispo ay walang kapintasan, palibhasa siya'y #1 Cor. 4:1, 2. katiwala ng Dios; hindi mapagsariling kalooban, hindi magagalitin, hindi manggugulo, hindi palaaway, hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan;
8Kundi mapagpatuloy, maibigin sa mabuti, mahinahon ang pagiisip, matuwid, banal, mapagpigil;
9Na #1 Tim. 1:19; 2 Tim. 1:13; 3:14. nananangan sa #1 Tim. 1:15. tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsang.
10Sapagka't may maraming mga suwail, na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya, #Gawa 15:1; Gal. 2:12. lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli,
11Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan, na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat, #1 Tim. 6:5; Jud. 16. dahil sa mahalay na kapakinabangan.
12Sinabi ng isa sa kanila rin, ng isang propetang sarili nila,
Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na mga tamad.
13Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y #1 Tim. 5:20. sawayin mong may kabagsikan sila, upang #Tit. 2:2. mangapakagaling sa pananampalataya,
14Na #1 Tim. 1:4. huwag mangakinig sa mga #1 Tim. 6:20. katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan.
15 # Luc. 11:41; Rom. 14:20. Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis: datapuwa't sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis; kundi pati ng kanilang #Rom. 1:28; 1 Tim. 6:5. pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa.
16Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila #1 Tim. 5:8. sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti.

Kasalukuyang Napili:

TITO 1: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya