Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 60

60
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay #2 Sam. 8:3; 13:14. Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.
1Oh Dios, #Awit 44:9. iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
2Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
# 2 Cron. 7:14. Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
3 # Awit 71:20. Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:
# Is. 51:17; Jer. 25:15. Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
4 # Awit 20:5; Is. 5:26. Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
5 # Hanggang tal. 12; Awit 108:6-13. Upang ang #Deut. 33:12. iyong minamahal ay makaligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
6 # Awit 89:35. Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
# Job 1:6. Aking hahatiin ang #Jos. 17:7. Sichem, at aking susukatin #Gen. 33:17. ang libis ng Succoth,
7Galaad ay #Jos. 13:9-31. akin, at Manases ay akin;
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay #Gen. 49:10. aking setro.
8 # 2 Sam. 8:2. Moab ay aking hugasan;
# 2 Sam. 8:14. Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, #2 Sam. 8:1. humiyaw ka dahil sa akin.
9Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 # Awit 44:9; 108:11. Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't #Awit 118:8; 146:3. walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12Sa pamamagitan ng Dios ay #Blg. 24:18; 1 Cron. 19:13. gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang #Is. 63:3. yumayapak sa aming mga kaaway.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 60: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya