Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 108

108
Awit, Salmo ni David.
1Ang aking #Hanggang tal. 5; Awit 5:7, 11. puso'y matatag, Oh Dios;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.
2Kayo'y gumising, salterio at alpa:
Ako ma'y gigising na maaga.
3Ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:
At ako'y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4 # Awit 113:4; Jer. 51:9. Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit,
At ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga #Awit 68:34. alapaap.
5Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit:
At ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.
6 # Hanggang tal. 13; Awit 60:5, 12. Upang ang iyong minamahal ay maligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
7Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
Aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.
8Galaad ay akin; Manases ay akin;
Ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo:
Juda'y aking cetro.
9Moab ay aking hugasan;
Sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak:
# Awit 60:8. Sa Filistia ay hihiyaw ako.
10Sinong magpapasok sa akin sa #Jos. 19:29. bayang nakukutaan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
11Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin,
# Awit 44:9. At hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?
12Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway;
Sapagka't walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13 # Awit 60:2. Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang yayapak sa aming mga kaaway.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 108: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya