Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA HEBREO 5

5
1Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, #Heb. 8:3. ay inilagay dahil sa mga tao #Heb. 2:17. sa mga bagay na nauukol sa Dios, #Heb. 9:9. upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan:
2Na makapagtitiis na may kaamuan #Heb. 2:18; 4:15. sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang #Heb. 7:28. siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;
3At #Lev. 4:3. dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.
4 # Blg. 16:5. At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na #Ex. 28:1. gaya ni Aaron.
5Gayon din si Cristo man ay #Juan 8:54. hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi,
# Heb. 1:5. Ikaw ay aking Anak.
Ikaw ay aking naging anak ngayon:
6Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako,
# Awit 119:4; Heb. 7:17, 21. Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
7Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay #Mat. 26:39, 44. naghandog ng mga panalangin at mga daing #Mat. 27:46, 50. na sumisigaw ng malakas at lumuluha #Mat. 14:36. doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,
8Bagama't siya'y #Juan 14:31; Heb. 1:2. Anak, gayon may #Fil. 2:8. natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;
9At #Heb. 2:10. nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya;
10Pinanganlan ng Dios na #tal. 6. dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
11Tungkol sa kaniya'y #2 Ped. 3:16. marami kaming sasabihin, at mahirap na saysayin, palibhasa'y nagsipurol kayo sa pakikinig.
12Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman #Heb. 6:1. ng mga unang #Gal. 4:3. simulain ng #Rom. 3:2. aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng #1 Cor. 3:2. gatas, at hindi ng pagkaing matigas.
13Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.
14Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.

Kasalukuyang Napili:

MGA HEBREO 5: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya