Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 60

60
Salmo 60#60 Salmo 60 Ang unang mga salita sa Hebreo: Ang awit na isinulat ni David pagkatapos ng kanyang pakikipaglaban sa mga taga-Aram Naharaim at sa mga taga-Aram Zoba at pag-uwi ni Joab mula sa pakikipaglaban at pagpatay sa 12,000 Edomita sa lambak na tinatawag na Asin. Ituro ang awit na ito. Sa direktor ng mga mang-aawit: Awitin ito sa tono ng “Liryo para sa pagpapatibay ng Kasunduan.”
Panalangin para Tulungan ng Dios
1O Dios, itinakwil nʼyo kami at pinabayaang malupig.
Nagalit kayo sa amin ngunit ngayon, manumbalik sana ang inyong kabutihan.
2Niyanig nʼyo ang kalupaan at pinagbitak-bitak,
ngunit nakikiusap ako na ayusin nʼyo po dahil babagsak na ito.
3Kami na mga mamamayan nʼyo ay labis-labis nʼyong pinahirapan.
Para nʼyo kaming nilasing sa alak, sumusuray-suray.
4Ngunit, para sa aming mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan
ng aming pagtitipon sa oras ng labanan.
5Iligtas nʼyo kami sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.
Pakinggan nʼyo kami,
upang kaming mga iniibig nʼyo ay maligtas.
6O Dios, sinabi nʼyo roon sa inyong templo,
“Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot
para ipamigay sa aking mga mamamayan.
7Sa akin ang Gilead at Manase,
ang Efraim ay gagawin kong tanggulan#60:7 tanggulan: sa literal, helmet.
at ang Juda ang aking tagapamahala.#60:7 tagapamahala: sa literal, setro ng hari.
8Ang Moab ang aking utusan#60:8 utusan: sa literal, planggana na panghugas ng mukha, kamay, at paa. at ang Edom ay sa akin din.#60:8 sa akin din: o, aking alipin. Sa literal, tapunan ko ng aking sandalyas.
Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”
9Sinong magdadala sa akin sa Edom
at sa bayan nito na napapalibutan ng pader?
10Sino na ang makakatulong, O Dios, ngayong itinakwil nʼyo na kami?
Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.
11Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway,
dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.
12Sa tulong nʼyo, O Dios,
kami ay magtatagumpay
dahil tatalunin nʼyo ang aming mga kaaway.

Kasalukuyang Napili:

Salmo 60: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya