Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mga Kaaway ng PusoHalimbawa

Enemies Of The Heart

ARAW 1 NG 5

Andy Stanley: Mga Kaaway ng Puso


Debosyonal Araw 1


“Ang Kumukulong Bulkan”


Banal na Kasulatan: Mateo 15:1-20


Ang ugali natin ay siyasatin ang ating pag-uugali samantalang binabalewala ang ating mga puso. Oo nga naman, paano nga ba siyasatin ang iyong puso? Hindi ako makakagawa ng hindi maganda nang walang pupuna nito sa akin. Ngunit ang puso ko? Mas komplikado yata iyon.


May sinabi si Jesus na lubos na makabuluhan pa rin ngayon: “Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso,” at pagkatapos, “Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan.”


Ang puso ay isang malaking misteryo. Ang totoo nito, sabi ng isang propeta, “Sino ang makakaunawa sa puso ng tao?” (Jeremias 17:9). Magandang tanong iyan. Ang implikasyon ay na walang sinuman. Sang-ayon ako rito. At kahit maunawaan natin ito, talaga namang hindi natin kayang kontrolin—dahilang mas dapat talaga nating siyasatin ito. Tulad ng paggalaw ng lupa sa isang natutulog na bulkan, ang hindi mo nalalaman ay maaaring makasakit sa iyo.


Biglang mayroong nakikipaghiwalayan.


Biglang nagsisibabaan ang mga marka ng isang bata at nagbabago ang kanyang asal.


Biglang ang isang inosenteng libangan ay nagiging isang nakakapinsalang gawain.


Nang walang dahilan napakasasakit na mga pananalita ang tatagos sa puso ng isang walang kamalay-malay na mahal sa buhay.


Nakita na nating lahat, naramdaman, o maaaring naging sanhi nito. Tulad ng sinabi ni Jesus, ang nanggagaling sa pagkakalihim sa ating mga puso ay hindi palaging mananatiling isang lihim. Kalaunan makakarating iyan sa ating mga tahanan, opisina at kapitbahayan.


Ang puso ay mababakas sa bawat pag-uusap. Didiktahan nito ang bawat relasyon. Ang mismong ating mga buhay ay nagmumula sa ating puso. Ang ating pamumuhay, pagmamagulang, pangunguna, pakikipag-ugnay, pagroromansa, pagkokompronta, pagtutugon, pagtuturo, pangangasiwa, pag-aareglo ng mga problema, at pagmamahal ay nagmumula sa puso. Ang ating mga puso ay may epekto sa karubduban ng ating komunikasyon. Ang ating mga puso ay may kakayahang eksaherahin ang ating pagiging maramdamin at pagiging manhid sa nararamdaman ng iba. Ang bawat aspeto ng buhay ay bumabagtas sa kung ano ang nangyayari sa ating mga puso. Ang lahat ay tumatawid dito saan man ito papunta. Lahat.


Kailangan nating lahat ng lakas ng loob na hingin sa ating Ama sa langit ang tulong na bantayan, unawain, at dalisayin ang ating mga puso. Sabik Siyang tumugon at ipakita sa atin kung papaanong halilihan ang mga dating pag-uugali ng ating mga puso ng mga mas maiinam na pag-uugali na sa kalaunan ay magsasanhing mas maging katulad tayo ng Kanyang Anak.


Sa susunod na apat na araw ng mga debosyon, titingnan natin ang apat na kaaway ng puso na kinakaharap ng lahat.


Ano ang ipinapakita ng iyong mga kamakailang kaisipan, pananalita, at kilos patungkol sa nagaganap sa iyong puso? Hingin na rin sa isang taong malapit sa iyo ang kanyang opinyon patungkol dito.


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Enemies Of The Heart

Tulad ng pusong hindi malusog na nakakasira sa iyong katawan, ang isang pusong hindi malusog sa emosyonal at espirituwal na aspeto ay makakasira sa iyong mga relasyon. Sa sunod na limang araw, hayaan si Andy Stanley na t...

More

Nais naming pasalamatan si Andy Stanley sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: bit.ly/2gNB92i

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya