Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Disiplina Sa EspirituwalHalimbawa

Disiplina Sa Espirituwal

ARAW 1 NG 6

SA ISANG TAON


Gawa 12: 1 - 11





Karaniwan nating naaalala o naiitala ang estado ng isang lugar na napuntahan natin sa ating isipan. Ang kalagayan ng lugar na iyon ay tila naitatak sa ating isipan, at samakatuwid maaari natin itong muling ikuwento. Gayunpaman, ang ating alaala ng lugar na iyon ay maaaring magbago kapag bumalik tayong muli sa lugar makalipas ang isang taon dahil sa maraming mga pagbabago. Marahil ay nagbago ang kulay ng pintura ng bahay. Lumiit ang bakuran ng bahay dahil sa karagdagang kagamitan. Ang mga puno ay naging malilim at mas mataas. Maraming mga bagay ang maaaring magbago sa isang taon. Ang pagbabago at pag-unlad ay natural na proseso na nagaganap sa paglipas ng panahon.


Noong panahon ng pagdiriwang ng Paskuwa, si Pedro ay nakapamaluktot sa pagitan ng dalawang guwardiya sa pagkabihag—ng mga tanikalang bakal. Walang espesyal na pagkain sa panahon ng Araw ng Tinapay na Walang Lebadura. Isang taon na ang nakalilipas, ipinagdiwang ni Pedro ang isang hindi malilimutang Hapunan kasama ni Hesus. Tiyak na naalala niya ang sandaling hinugasan ni Hesus ang kanyang mga paa, pati na rin kung paano siya nangako na mas makakabuti sa kanya na mamatay kaysa itatwa si Hesus. Sa kahihiyan, malamang na naalala niya rin kung paano niya itinatwa si Hesus ng tatlong beses.


Si Pedro ay kumakain kasama ng Panginoon pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa baybayin ng Dagat ng Galilea nang sinabi ni Jesus, "Sumunod ka sa akin!" Ang pagsubok ay naganap sa buhay ni Pedro hindi katagalan pagkatapos ng pagbaba ng Banal na Espiritu sa panahon ng Pentecostes. Siya ay naaresto at nakulong. Maaaring ang kanyang buhay ay matulad gaya ng kanyang Panginoon. Gayunpaman, iba ang nangyari sa kanya. Siya ay payapang sumunod sapagkat alam niyang sumusunod siya sa kalooban ng Diyos at alam niya na ang kanyang buhay ay nasa kamay ng Diyos. Mahimbing pa siyang nakatulog sa kulungan. Sa loob ng isang taon, naranasan ni Pedro ang matinding paglago ng pananampalataya. Lumago siya mula sa isang emosyunal na dispulo patungo sa pagiging matatag na tao.


Nais din ng Panginoon na lumago tayo. Maraming mga tao ang tagasunod ng Diyos sa mahabang panahon ngunit hindi pa rin matatag. Ang taong may malusog na espirituwal na buhay ay mabilis na lalago sa espirituwal na nais ng Diyos para sa kanyang buhay.





Pagbubulay Ngayon:


1. Gaano na tayo katagal na tagasunod ng Diyos? Nararanasan din ba natin ang lumago? Nangyayari pa rin ba ngayon ang mga paglago?


2. Ano ang mga binago ng Diyos sa proseso ng ating paglagong espirituwal?





Mga Dapat Gawin Ngayon:


Patuloy na lumago sapagkat sa espirituwal na paglago ay hindi kinikilala ang salitang "matanda". Kinikilala lamang ang salitang "mature o ganap na" na nangangahulugang mayroon pa rin tayong potensyal na lumago.




Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Disiplina Sa Espirituwal

Kung paano dapat na lumaki ang ating pisikal na katawan ganoon din nais ng Diyos na lumago tayo sa ating espirituwal na buhay. Ang Salita ng Diyos ang ating pagkain at nutrisyon upang maging malago sa espirituwal. Tiyaki...

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya