Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mas Mabuting DaanHalimbawa

A Better Way

ARAW 1 NG 7

Mas Mabuting Daan



Nararamdaman mo ba paminsan na ginagawa mo naman ang lahat ng tama ngunit nararanasan ang masasamang kinalalabasan? Maaaring nagbabasa ka ng Biblia, gumugugol ng oras sa panalangin, at naglilingkod sa iba, ngunit pakiramdam mo pa rin na malayo ka sa Diyos. O maaaring masunurin ka sa Diyos, ngunit pakiramdam mo'y gumuguho ang mundo mo. 



Tuloy ang pakiramdam mo ay balisa, bigo, o naghihinanakit? 



Sa isang yugto ng buhay, lahat tayo ay nakaranas na nito. Ang iyong espirituwal na pagkamatalik ay isang malayong alaala, at hindi ka sigurado sa gagawin mo o kung saan babaling 



Ano ang dapat mong gawin kapag ang trabahong tinatangka mong gawin para sa Diyos ay sumisira sa gusto Niyang gawin sa iyo?  



Tinamaan ka ba ng tanong na iyan? Hindi ka nag-iisa, ngunit may pag-asa ng mas mabuting daan. 



Ang pananampalataya mo ay hindi dapat maging isang listahan ng mga espirituwal na tungkulin, kung saan kumukubra ka ng mga puntos sa Diyos para sa magaling na trabaho. Madaling maipagpalit ang trabaho para kay Jesus sa daan ni Jesus, ngunit napakalaki ng pagkakaiba na kailangan nating tandaan. 



Hindi ka empleyado ng Diyos. Ikaw ay anak Niya. At bilang anak Niya, Nais Niyang mas puspusin ang iyong puso kaysa iyong mga kamay. 



Kaya't kung pakiramdam mo'y naliligaw ka, pagod, o hungkag, may mabuting balita para Sa'yo. Dumating si Jesus hindi lang para maganap ang kalooban ng Diyos ngunit para rin maipakita sa atin ang Daan. 



Tinukoy ng mga sinaunang tagasunod ni Jesus ang Cristianismo na “Ang Daan,” dahil ang makilala si Jesus ay ang matutunan kung paano mamuhay at kung saan dapat pumunta. Tingnan na lang ang sinabi ni Jesus patungkol sa sarili Niya: 



… “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay...” Juan 14:6 RTPV05

At ganito naman ang pagkakasabi ng may-akda ng Mga Hebreo: 



Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. … Mga Hebreo 10:20-22 RTPV05 (may dagdag na pagbibigay-diin)

Si Jesus ang ating mas mabuting daan. Sa Kanyang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay, naglatag Siya para sa atin ng isang daan na pasulong—isang daan kung saan hindi natin kailangang magsumikap para sa Kanyang pag-aproba o atensiyon. Bagkus, binigyan Niya tayo ng lubos na kalayaang lumapit sa Diyos—kalayaang lumapit na naghahatid ng kapayapaan, kalayaan, at kapahingahan. 



Kung pakiramdam mo ay malayo ka sa Diyos, kailangan mong malaman na hindi ka Niya iniwan. Ang presensya Niya ay abot mo, at mas malapit Siya kaysa sa inaakala mo. Tumawag sa Kanya. Dalhin sa Kanya ang iyong paghihirap, iyong kabiguan, at iyong mga nabigong inaasahan, batid na Siya'y nagmamalasakit, Siya'y nakakakita, at Siya'y magpapakita sa'yo ng daan. 



Sa loob ng ilang sunod na araw, pag-uusapan natin kung bakit ang pagsunod kay Jesus ay tiyak na mas mabuting paraan ng pamumuhay—hindi mas madaling daan, ngunit mas mabuting daan—mungkahi ang ilang kaugaliang maaaring subukan bawat araw. 



Panalangin: O Diyos, kamakailan pakiramdam ko ay nalalayo ako sa Iyo. Ngunit alam kong kasama Kita, at nagmamalasakit Ka sa akin. Ngayon, dinadala ko sa Iyo ang lahat ng aking kabiguan, aking pag-aalinlangan, aking paghihirap, at aking paghihinanakit, at hinihingi ko sa Iyo ang puspusin ako ng higit pa ng Iyong presensya, Iyong kapayapaan, Iyong layunin, at Iyong alab. Sa pangalan ni Jesus, amen. 



Gawin: Maging tapat sa Diyos sa linggong ito. Kapag nakakaramdam ka ng galit, kahungkagan, o paghihinanakit, sabihin sa Kanya. Isulat ito. Kaya Niya ang iyong paghihirap, at mas nais Niyang maging tapat ka sa Kanya kaysa layuan mo Siya. 


Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

A Better Way

Nararamdaman mo ba paminsan na ginagawa mo naman ang lahat ng alam mong tama ngunit panay masama ang kinalalabasan? Maaaring sinusubukan mong kumonekta sa Diyos, ngunit pakiramdam mo'y napakalayo mo sa Kanya. Kung malapi...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya