Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mahal kong Pagkagumon...Halimbawa

Dear Addiction...

ARAW 1 NG 5

  Araw 1: Panimula



Ang paggaling ay para sa lahat.


Kung ikaw ay nasa paggaling mula sa mga droga o alak, pagkain o pornograpiya, pagsusugal o trauma, kung mabubuhay ka ng mahabang panahon, kakailanganin mong gumaling.


Sa loob ng limang araw ng Mahal Kong Pagkagumon, tatalakayin natin ang ilan sa mga isyu na kasama ng paggaling. Kung naghahanap ka man ng higit pa tungkol sa paggaling o kahit na ikaw ay umaasang magkaroon ng panibagong buhay tungo sa isang pangmatagalang paggaling, ang aming dalangin ay mahikayat ka nito sa iyong indibidwal na landas.


Naiintindihan namin ang mundong ito mula sa loob at labas dahil nanggaling na kami doon. Alam namin ang pang-aakit ng mga magagandang panahon ng pagkagumon at ang pagbabagong nagaganap kapag huminto na ito sa pagiging masaya. Nakarating na kami sa pinakamababa at napanood na muling itayo ng Diyos ang aming mga buhay sa isang panibagong buhay, mas matibay na pundasyon. Hinarap namin ang higante ng potensyal na pagbabalik. Sa lahat ng ito, dahil sa pag-asa na inialay kay Cristo at sa salita ng ating patotoo, tayo ay mga Mananagumpay.


Ang paggaling ay nangyayari araw-araw kapag tayo ay sumuko sa nag-iisang makapagpapabago sa atin: kay Jesu-Cristo. Nandito kami upang samahan ka, bigyan ka ng pag-asa na matatagpuan sa salita ng Diyos, at hikayatin ka na posible ang paggaling.


Saan ka man magsisimula, kung ano man ang iyong nagawa sa iyong pagkagumon, ano man ang nagawa sa iyo o kung ano man ang nararamdaman mo sa mga sandaling ito, ngayon na ang tamang oras. Dito ang lugar. Posible ang panunumbalik at muling pagkabuhay dahil naglilingkod tayo sa Diyos na ang mismong hininga ay nagbigay-buhay sa mga tuyong buto, mga batis sa disyerto, mga daan sa ilang, at binuhay ang mga patay.


Ang paggawa ng isang programa sa paggaling ay tila paraan kung paano natin binabawi ang lupa mula sa kaaway, kung paano tayo nagbabayad para sa mga napili nating gawin sa ating pagkagumon, at kung paano tayo nagiging mga kamay at paa ni Jesus upang humayo mula sa ating paggaling tungo sa pagtatayo ng kaharian ng Diyos sa paggaling ng ibang tao.


Ang paggaling ay napakahalaga at ikaw din.


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Dear Addiction...

"Mahal kong Pagkagumon..." ay isang 5-araw na babasahing gabay na sumisid sa ikot ng pagkagumon mula sa isang biblikal na pananaw. Ang Banal na Salita ay nag-aalok ng napakaraming pananaw at kapangyarihan tungkol sa atin...

More

Nais naming pasalamatan sina George at Meredith Shafer, mga kasamang nagtatag ng STORM Inc. para sa babasahing gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring dumalaw sa: http://www.storminc.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya