Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Paghahanap ng Kalayaan mula sa StressHalimbawa

Finding Freedom From Stress

ARAW 1 NG 5

Huwag hayaang patakbuhin ng stress ang buhay mo.



Ang stress ay isang pakikibakang totoong-totoo para sa marami sa atin. Ngunit hindi ito kailangang maging ganito. Kadalasan, maaari nating tingnan ang stress na isang bagay na kailangan nating ayusin, subalit binibigyan tayo ni Jesus ng kalayaan mula dito sa pamamagitan ng Kanyang kapayapaan. 



Magkalinawan muna tayo tungkol dito. Walang isang mahiwagang solusyon na habambuhay makapagtatanggal ng stress. Ang stress ay isang emosyonal na pagtugon, at kung minsan ay mula sa pagkataranta sa mga nangyayaring sa pananaw ng iyong utak ay nakakabahala. At maaari pa nga itong maging isang mabuting bagay, dahil maglalayo ito sa iyo sa kapahamakan, mag-uudyok ito sa iyong gumawa ng mas mabuting pagpapasya, o tutulungan kang gumawa ng mga kinakailangang pagbabago. Ngunit kapag ang stress na ang nagpapatakbo ng ating buhay—dito tayo nagkakaroon ng problema.



Kaya't maaaring ang katanungan ay hindi yaong paano pipigilan ang sariling ma-stress. Ang mas mainam na tanong ay: Paano nating mababago ang paraan kung paano natin uunawain ang stress at paano natin ito haharapin? Narito ang tatlong bagay na gagabay sa ating reaksyon patungkol sa stress.




  1. Huwag mong hayaang patakbuhin ng stress ang buhay mo. Hayaan mo lamang ang sapat na stress upang gumabay sa iyong pagpapasya, ngunit huwag mong hayaan itong gawing malabo ang iyong paghusga. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng kaliwanagan upang malaman mo kung ang iyong stress ay nagdadala sa iyo upang hindi mo matamo ang mga pagkakataong ibinibigay Niya sa iyo.

  2. Pakawalan mo ang pagkokontrol dito.Wala nang mas makakapagpadagdag pa ng stress kaysa sa pagkokontrol dito. Inaalok tayo ni Jesus ng kalayaan mula sa mabibigat na dalahin. Ngunit narito ang kailangan nating gawin—kailangan nating lumapit sa Kanya. Dumulog ka sa harapan Niya at ilapag mo roon ang iyong stress. Ang halaga nito ay ang pagbitiw sa pagkokontrol mo rito, ngunit ang gantimpala ay kalayaan, kapayapaan, at kapahingahan.

  3. Humingi ka ng karunungan. Itanong mo sa Diyos kung may itinuturo sa iyo ang stress na nararanasan mo tungkol sa pamamaraan ng pagpapatakbo ng buhay mo. May mga bahagi ka ba ng buhay mong kailangan mo nang ihinto ang pamamahala rito nang mag-isa? May mga bagay bang tila labis ang naging pag-ako mo ng gawain? Hilingin mo sa Diyos na itama ka sa malumanay na pamamaraan, na gabayan ka, at muli kang ituwid sa kaibuturan ng iyong stress, at pagkatapos ay palitan Niya ang iyong stress ng Kanyang kalakasan.


Pag-usapan Ito




  • Paano mo babaguhin ang pananaw mo sa stress?

  • Ano kayang itinuturo sa iyo ng nararanasan mong stress patungkol sa uri ng iyong kasalukuyang pamumuhay?

  • Ano ang ilan sa mga bagay na kailangan mo nang bitiwan upang maranasan mo ang kapayapaan?

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Finding Freedom From Stress

Ang stress ay totoo, ngunit hindi nito kailangang patakbuhin ang iyong buhay. Kay Cristo, may kakayahan tayong tukuyin, at bigyan ito ng bagong kahulugan. Kung ikaw ay nakakaranas ng stress, suriin mo ang 5-araw na Gabay...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya