Sandali at madali lang gawin gamit ang mga madaling-ibagay na module. Pagsamahin ang mga bagong sangkap sa paggawa ng mga panibagong Kaganapan. O gamitin ulit ang mga dating Kaganapan at isaayos lang nang kinakailangan. Maaari pang kopyahin ang mga kasalukuyang Kaganapan at isaayos nang bahagya nang lubos na maibagay sa iba't ibang uri ng pagtitipon. Habang ginagawa, gamitin ang Preview upang masilip ang makikita ng mga nakikilahok.
Mga balangkas, pangunahing kaisipan, mga tanong para sa pagtatalakay... Ibahagi ang kahit na anong sangkap na teksto na makakatulong na masundan ang iyong mensahe ng mga nakikilahok.
Ipakita ang mga sipi kung saan mo mismo tinutukoy ang mga ito sa iyong mensahe, na naka-link sa anumang 2400 + na salin ng Bible App, sa 1600+ mga wika —hindi na kailangang i-copy at paste.
Ang mga link sa mga Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa iyong mga punto ng pagtuturo, na tumutulong sa iyong mga tagapakinig na patuloy na makilahok sa Salita ng Diyos sa buong linggo.
Ang iyong mga tagapakinig ay makakapaggbigay online sa isang tap lang, mag-boluntaryo o makita ang home page ng inyong simbahan. Maglagay ng link sa anumang panlabas na site sa loob mismo ng iyong Kaganapan.
Bigyang-buhay ang iyong Kaganapan sa pamamagitan ng mga nakaseryeng sining, larawan, Bersikulong Larawan at iba pa. Madaling maibabahagi ng mga dumadalo ang mga larawan mula sa iyong Kaganapan sa kanilang mga social media account, nang lalong maikalat sa maraming iba pa.
Ipamahagi ang lahat ng iyong mga napapanahon at mahalagang kaganapan: balita sa simbahan, mga nalalapit na kaganapan, programa, klase, mga gawaing boluntaryo at misyon, at iba pa, sa madaling paraan.
Ipaalam sa mga tao kung saan at kailan mangyayari ang iyong Kaganapan - maski Mga Kaganapan na mangyayari sa maraming pagkakataon at mga lokasyon.
Magtipid ng oras at trabaho. Mabilis na lumikha ng mga bagong Kaganapan sa pamamagitan ng pagkopya ng mga lumang kaganapan at pag-update ng mga ito gamit ang mga bagong impormasyon.
Magtipid ng pera sa paglimbag at gumamit ng mas kaunting papel… kahit na nakikipag-ugnayan ka sa mga tao sa isang platapormang may higit sa 200 milyong install.
"Kami ay nasasabik na ipatupad ang YouVersion sa aming ministeryo, lalo na ang bahagi ng Mga Kaganapan, kung saan inilalagay namin ang mga tala sa pagtuturo at komento sa bawat linggo. Pinapahalagahan ng aming mga tao ang pagkakaroon ng mga tala sa kani-kanilang mga kamay, pagbabahagi ng mga ito, at pag-save ng mga ito. Nakapaglaan kami ng libu-libong piso sa iba pang mga pangangailangan sa ministeryo sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga nakalimbag na programa!"
Pastor Bill White
Christ Journey Church
"Ang Mga Kaganapan ng YouVersion ay isang mahalagang sanggunian para sa aming pamayanan ng simbahan. Ang kakayahang sundin ng aming mga tao kasama ang mga tala ng sermon at Kasulatan sa panahon ng aming mga mensahe ay lumilikha ng malakas na pakikipag-ugnayan at epekto."
Pastor Herbert Cooper
People’s Church
"Ginagamit namin ang Mga Kaganapan para sa lahat ng aming mga sesyon, na nagpapahintulot sa mga dumadalo na magkaroon ng mga tala at Kasulatan mula sa mga tagapagsalita na nasa harapan mismo nila. Nakatipid kami sa pamamagitan ng Mga Kaganapan sa paglimbag ng libu-libong pahina! Ang pag-set up ng isang Kaganapan ay napakadali, at laging nailalathala sa eksaktong oras na kailangan namin ito."
Cindy Beall
Leading and Loving It
Director of Equip
Ang isang rebolusyon sa pakikipag-ugnayan sa Biblia ang nagaganap sa ating buhay. Naka-install sa higit sa 220 milyong natatanging device sa ngayon (at nadaragdagan pa), tinutulungan ng Bible App ang mga tao sa bawat bansa sa mundo na mas makakonekta sa Salita ng Diyos. At ngayon, sa pamamagitan ng Mga Kaganapan, ikinagagalak naming ialok ang abot ng platapormang iyon sa iyo.
Ihanda ang iyong unang Kaganapan na ibahagi sa Bible App nang wala pang sampung minuto. Kailangan mo lamang ng isang Mac o PC at isang libreng YouVersion account.