Amos 4:9
Amos 4:9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Sinira ko ang inyong pananim, sa pamamagitan ng mainit na hangin at amag. Kinain ng mga balang ang inyong mga halaman, pati ang mga puno ng ubas, igos at olibo, gayunma'y hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
Amos 4:9 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Sinira ko nang maraming beses ang inyong mga pananim sa pamamagitan ng mainit na hangin at ng mga peste. Sinalakay ng mga balang ang inyong mga puno ng igos at olibo. Pero hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.
Amos 4:9 Ang Biblia (TLAB)
Aking sinalot kayo ng pagkalanta at ng amag: ang karamihan ng inyong mga halaman, at ng inyong mga ubasan, at ng inyong mga igusan, at ng inyong mga olibohan ay nilipol ng tipaklong: gayon ma'y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon.
Amos 4:9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Sinira ko ang inyong pananim, sa pamamagitan ng mainit na hangin at amag. Kinain ng mga balang ang inyong mga halaman, pati ang mga puno ng ubas, igos at olibo, gayunma'y hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin.
Amos 4:9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)