Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 3

3
Panalangin sa Umaga
Awit#2 Sam. 15:13–17:22. ni David nang siya'y tumatakas mula kay Absalom.
1O Yahweh, napakarami pong kaaway,
na sa akin ay kumakalaban!
2Ang lagi nilang pinag-uusapan,
ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah)#2 SELAH: Ang kahulugan ng salitang ito'y hindi tiyak, subalit sa tekstong Hebreo, ito'y maaaring ginamit bilang isang simbolong pangmusika na nagbibigay ng hudyat sa pag-awit o pagtugtog.
3Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang,
binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.
4Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong,
sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah)#4 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
5Ako'y nakakatulog at nagigising,
buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin.
6Sa maraming kalaba'y di ako matatakot,
magsipag-abang man sila sa aking palibot.
7Yahweh na aking Diyos, iligtas mo ako!
Parusahang lahat, mga kaaway ko,
kapangyarihan nila'y iyong igupo.
8Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay;
pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)#8 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.

Kasalukuyang Napili:

Mga Awit 3: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya