Job 42
42
Job Speaks: I Admit That I Was Wrong
1Then Job answered the Lord,
2“I know that you can do everything
and that your plans are unstoppable.
3“⌞You said,⌟ ‘Who is this that belittles my advice
without having any knowledge ⌞about it⌟?’
Yes, I have stated things I didn’t understand,
things too mysterious for me to know.
4“⌞You said,⌟ ‘Listen now, and I will speak.
I will ask you, and you will teach me.’
5I had heard about you with my own ears,
but now I have seen you with my own eyes.
6That is why I take back what I said,
and I sit in dust and ashes to show that I am sorry.”
Job’s Life Is Restored
7After the Lord had said those things to Job, the Lord said to Eliphaz from Teman, “I’m very angry with you and your two friends because you didn’t speak what is right about me as my servant Job has done. 8So take seven young bulls and seven rams. Go to my servant Job, and make a burnt offering for yourselves. My servant Job will pray for you. Then I will accept his prayer not to treat you as godless fools. After all, you didn’t speak what is right about me as my servant Job has done.”
9Then Eliphaz of Teman, Bildad of Shuah, and Zophar of Naama went and did what the Lord had told them to do. And the Lord accepted Job’s prayer.
10After Job prayed for his friends, the Lord restored Job’s prosperity and gave him twice as much ⌞as he had before⌟. 11Then all his brothers and sisters and everyone who had previously known him came to him. They ate with him at his house, sympathized with him, and comforted him for all the evil the Lord had brought to him. Each one gave him some money and a gold ring.
12The Lord blessed the latter years of Job’s life more than the earlier years. He had 14,000 sheep and goats, 6,000 camels, 2,000 oxen, and 1,000 donkeys. 13He also had seven sons and three daughters. 14He named the first ⌞daughter⌟ Jemimah, the second Cassia, and the third Keren Happuch. 15Nowhere in the whole country could be found women who were as beautiful as Job’s daughters. Their father gave them and their brothers an inheritance.
16Job lived 140 years after this. He saw his children, grandchildren, and great-grandchildren.#42:16 Or “grandchildren, four generations.” 17Then at a very old age, Job died.
Currently Selected:
Job 42: GW
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
GOD'S WORD® Translation ©1995, 2003, 2013, 2014, 2019, 2020 by God's Word to the Nations Mission Society. All rights reserved.
Job 42
42
1Sinabi ni Job sa Panginoon,
2“Alam ko pong magagawa nʼyo ang lahat ng bagay, at walang sinumang makapipigil sa inyo. 3Ako poʼy tinanong nʼyo kung bakit ako nag-aalinlangan sa inyong karunungan, gayong wala naman akong nalalaman. Totoo pong nagsalita ako ng mga bagay na hindi ko naiintindihan at mga bagay na sa hindi ko lubos maunawaan.
4“Nakipag-usap po kayo sa akin at sinabi nʼyong makinig ako sa inyo at sagutin ko ang mga tanong ninyo. 5Noon ay naririnig ko lang po sa iba ang tungkol sa inyo, pero ngayon ay nakita ko na kayo. 6Kaya ako ay nahihiya sa lahat ng sinabi ko tungkol sa inyo, ako po ngayon ay nagsisisi sa pamamagitan ng pag-upo sa abo at alikabok.”#42:6 ako po ngayon ay … alikabok: o, pinagsisisihan ko na ang pag-upo sa abo at alikabok.
Ang Katapusan
7Pagkatapos sabihin ng Panginoon kay Job ang mga bagay na ito, sinabi niya kay Elifaz na taga-Teman, “Galit ako sa iyo at sa dalawa mong kaibigan, dahil hindi ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin katulad ng ginawa ni Job na aking lingkod. 8Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong lalaking tupa at dalhin ninyo kay Job, at ialay ninyo sa akin bilang handog na sinusunog para sa inyong sarili. Si Job ay mananalangin para sa inyo at sasagutin ko ang kanyang panalangin, at hindi ko kayo parurusahan nang nararapat sa inyong kamangmangan. Hindi nga ninyo sinabi ang katotohanan tungkol sa akin katulad ng ginawa ni Job na aking lingkod.”
9Kaya ginawa nina Elifaz na taga-Teman, Bildad na taga-Shua at Zofar na taga-Naama ang iniutos ng Panginoon sa kanila. At sinagot ng Panginoon ang dalangin ni Job.
10Pagkatapos maipanalangin ni Job ang kanyang mga kaibigan, muli siyang pinaunlad ng Panginoon at dinoble pa niya ang dating kayamanan ni Job. 11Lahat ng kapatid niya at mga kaibigan noon ay nagpunta sa kanya at nagsalo-salo sila sa kanyang bahay. Inaliw nila si Job sa kahirapang pinasapit sa kanya ng Panginoon. At bawat isa sa kanilaʼy nagbigay kay Job ng pera at gintong singsing.
12Sa gayoʼy lalong pinagpala ng Panginoon ang mga huling araw ni Job ng higit pa kaysa sa dati. Binigyan siya ng Panginoon ng 14,000 tupa, 6,000 kamelyo, 1,000 pares ng baka, at 1,000 babaeng asno. 13Binigyan din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. 14Ang panganay niyang babae ay si Jemima, ang pangalawa ay si Kezia, at ang pangatlo ay si Keren Hapuc. 15Walang babaeng mas gaganda pa kaysa sa kanila sa buong lupain.#42:15 sa buong lupain: o, sa buong mundo. Binigyan sila ni Job ng mana katulad ng kanilang mga kapatid na lalaki.
16Pagkatapos nitoʼy nabuhay pa si Job ng 140 taon. Nakita pa niya ang kanyang mga apo hanggang sa ikaapat na salinlahi. 17Matandang-matanda na si Job nang siya ay namatay.
Currently Selected:
:
Highlight
Share
Copy
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.